Ng The SUN
Marami ang nahuhuling may pangalawang HKID magmula nang ilabas ang SMART ID card |
Nakaiwas sa kulong nitong Biyernes si A. T. Agustin, 46 taong gulang, matapos niyang aminin na kumuha siya ng pangalawang
HKID card nang bumalik sa Hong Kong noong 2016.
Pinatawan siya ni Magistrate David Cheung ng dalawang
buwang pagkabilanggo, na suspendido ng dalawang taon, na ang ibig sabihin ay
hindi siya ikukulong kung hindi na siya muling lalabag sa batas sa loob ng
itinakdang panahon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero pinagmulta siya ng $1,000.
Ayon sa mahistrado, seryoso ang ginawang pagtatago ni Agustin sa una niyang HKID at pagkuha niya ng pangalawa dahil may kaakibat itong panganib sa lipunan.
|
Nguni’t isinaalang-alang daw niya ang ipinakita nitong pagsisisi sa ginawa, ang kanyang malinis na record, at ang patuloy na pagpapatrabaho sa kanya ng kanyang employer, na sumama pa sa korte para ipakita ang kanyang suporta.
Ayon sa tinanggap na salaysay ni Agustin, una siyang nagtrabaho sa Hong Kong noong 1997, gamit ang tunay niyang pangalan, pero pinatanda ang kanyang edad.
Hindi ito ang unang kaso na ganito ang pangyayari, dahil maraming mga employment agency ang nagpapalit ng edad ng mga ipinapasok nilang mga domestic worker dati para ipakita sa employer na kaya na ng mga ito ang makipagsapalaran sa ibang bansa.
Nang bumalik si Agustin noong 2016 ay ginamit naman niya ang pangalang G. F.Tabangin, at tinama na ang edad.
Press for details |
Nabisto lang
ang ginawa niyang pagsisinungaling nang mag-aplay siya ng Smart HKID nitong
Abril.
Inaresto si Agustin, at kinasuhan ng pagsisinungaling
sa Immigration officer at pagkuha ng pangalawang HKID card.
BASAHIN ANG DETALYE |
Pero sa kanyang pagharap sa korte ay nagkasundo ang
magkabilang panig na ibasura na ang unang kaso at aaminin na ni Agustin na
sinadya niyang kumuha ng pangalawang HKID card na labag sa batas.
Matapos ng kanyang pag-amin ay hiniling ng abugado ni
Agustin na patawan siya ng sentensya na walang kulong dahil may trabaho pa
siya, at sinusuportahan ang pamilya niya sa Pilipinas.
Kasal daw ito sa isang magsasaka sa Pilipinas, at wala
silang anak.
Nagsisisi daw ito sa ginawang kasalanan at humiling na
bigyan siya ng isa pang pagkakataon.
|