Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Murder na ang kaso laban sa Pinoy na nakapatay diumano sa ka-live in

19 October 2022

 

Babalik sa Eastern Magistracy ang Pilipino sa susunod na pagdinig sa Nov. 28.

Pormal nang ginawang murder, mula sa pananakit na may intensyon, ang kasong isinampa sa Eastern Magistracy laban sa isang Pilipinong driver na nambugbog sa kanyang ka-live in na kalaunan ay namatay.

Ibinalik sa kulungan si Bernie Valencia, 42 taong gulang, kahapon (Oct. 18) matapos basahin sa kanya ng interpreter ang binagong kaso niya, upang doon hintayin ang susunod na pagdinig na itinakda ni Principal Magistrate Ada Yim sa Nov. 28.

Pero dahil ang pinakamabigat na parusa sa kaso ay habambuhay na pagkabilanggo ay ililipat pa rin sa pinakamataas na hukuman ang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa asunto na binago noong Oct. 11, inakusahan si Valencia sa pagkamatay noong Jan. 2 ng kanyang ka live-in na si Ivy Quiabang, 37 taong gulang.

Ayon sa unang report ng pulis, binugbog niya si Quiabang sa tinitirhan nila sa 82 Nullah Lane sa Wanchai noong Dec. 22, 2021, pero kinabukasan pa itinawag sa emergency number 999 ang nangyari sa kanya.

Press for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakita ng mga pulis na rumesponde na wala nang malay si Quiabang at may mga sugat sa mukha. Siya ay dinala sa Ruttonjee Hospital para sa paunang lunas, pero inilipat sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital para sa operasyon sa pagdurugo sa utak.

Doon na siya namatay.

Ayon sa record ng Overseas Workers Welfare Administration, si Quiabang ay isang single mother na may dalawang anak sa Isabela.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss