Logo ng Privacy Commissioner for Personal Data. |
Gusto mo bang ipahiya ang isang taong may atraso sa iyo – gaya halimbawa ng isang nangutang at hindi nagbayad -- sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa Facebook ng kanilang pangalan at iba pang personal na impormasyon?
Huwag mo nang ituloy, dahil ito ay krimen na tinatawag na doxxing.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Upang bigyang-diin na seryoso ang Hong Kong sa pagsugpo ng doxxing,
isang lalaking 37 taong gulang ang inaresto nitong Huwebes (Oct. 13) ng Office of the
Privacy Commissioner for Personal Data (PCPD) sa Kowloon West dahil sa paglabag
sa Personal Data (Privacy) Ordinance (PDPO).
Ang kaso ay nagmula sa transaction kung saan ang lalaki ay kumuha
ng domestic helper sa employment agency na pagmamay-ari ng biktima. Nang hindi
nagpakita ang DH, binawi ng lalaki ang ibinayad niya sa ahensiya pero tumutol
ang may-ari ng ahensiya, na isang babae.
Pindutin para sa detalye |
Sa galit ay inilabas ng lalaki sa social media noong Abril ang mga personal data ng babae gaya ng pangalan sa Intsik, pangalan sa Ingles, pangalan ng paaralang pinanggalingan niya, mga larawan at ang pangalan at address ng kanyang ahensiya. Mayroon din siyang ipinalabas na paninira at akusasyon.
Patuloy na iniimbestigahan ang kaso.
Noong Oct 6 naman, naresolba sa Shatin Magistrates’ Court ang
kauna-unahang kasong doxxing na napatunayan simula nang maging batas ang PDPO
noong Oct. 8, 2021.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Umamin si Ho Muk-wah na naglabas sa social media ng personal na impormasyon ng dati nyang kasintahan sa apat na social media platform noong Oct 19 hanggang 26, 2019.
Sa pagbukas ng tatlong account sa social media, nagpanggap
pa si Ho na dati niyang kasintahan ay nag-imbita ng mga kalalakihan na
bisitahin siya sa kanyang tirahan. Nakatanggap tuloy ang babae ng mga tawag
mula sa mga gusto siyang makilala.
Nahatulang nagkasala siya sa pitong kaso ng “pagbubunyag ng personal na impormasyon nang walang pahintulot” dahil sa paglabas niya ng mga larawan ng babae, tirahan, sarili at pang-opisinang telephone number, pangalan ng pinagtatrabahuan at posisyon.
Itinakda ng korte ang paggawad ng parusa kay Ho sa Dec. 15.
Ayon sa PCPD, ang doxxing ay isang krimen na may parusang multa
na hanggang $1,000,000 at kulong na hanggang limang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nagiging krimen ang paghayag ng personal na impormasyon kung
ito ay walang pahintulot ng biktima, may intensyong manira, nagsanhi ng pinsala
sa isang tao at kanyang pamilya, naging sanhi ng pinsala sa impormasyon tungkol
sa kanila.
PADALA NA! |
CALL US! |