Maaliwalas ang panahon ngayong gabi. (HKO Photo) |
Gigising ang Hong Kong sa malamig na umaga bukas (Lunes) at sa Martes sa isa pang pagpapaalala na malapit na ang taglamig.
Ayon sa Hong Kong Observatory, ang pinakamababang temperatura
bukas ay 22 degrees Celsius, na bababa pa sa 21 degrees sa Martes.
Pero dahil patuloy pa rin ang maaliwalas na papawirin na
dala ng Northeast Monsoon (na kilala sa Pilipinas bilang hanging Habagat), mananatiling
mainit pa rin dahil sa sikat ng araw sa hapon, na aabot sa 28 degrees bukas at
27 degrees sa Martes. Sa papasok na linggo, ang pinakamainit ay 30 degrees na
inaasahan sa Linggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Magiging malaliwalas ang panahon sa buong linggo, na may manakanakang
pag-ulan.
Pero dahil sa init at sa tuyong hangin na dala nito, nagtaas
ng Yellow fire danger warning ang Observatory.
Nagbabala ito na nanganganib na magkaron ng sunog, lalo na
sa mga damuhan sa gilid ng bundok, kaya pinag-iingat ang lahat.
Press for details |
Ayon sa Observatory inaasahang mas mainit sa karaniwan ang
panahon mula Oktubre hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan, dahil sa pandaigdigang pag-init at pagkakadikit-dikit ng mga gusali sa siyudad.
Inaasahan na magpapatuloy ang pagtaas ng temperatura sa mga susunod na taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang klima ng Hong Kong ay pinaka-komportable sa pagitan ng Nobyembre at Disyembre.
Pagdating ng malamig na hangin at makakapal na ulap mula sa Norte sa Enero, babagsak ang temperatura sa 10 degrees o mas mababa pa. May mga taon pa na umabot sa 0 ang temperatura sa ilang panig ng New Territories, dagdag pa ng Observatory.
|