Ng The SUN
Mahigit isang taon nang nakasara ang mga barbecue pit na pinapatakbo ng gobyerno |
Simula sa darating na Huwebes, Nov. 3, ay tatanggalin na ang
itinakdang oras ng pagbubukas ng mga restaurant at mga bar, at bubuksan nang
muli ang mga barbecue pit sa mga parke at beaches.
Maari na ring magtanggal ng mask para magpakuha ng litrato
ang mga bisita sa handaan, pero kailangan nila itong ibalik pagkatapos.
Ito ang mga binagong patakaran na inanunsyo ng mga opisyal ng
gobyerno ngayon, kung kailan tumaas muli sa mahigit 6,062 ang bilang ng mga
bagong kaso ng Covid-19 sa Hong Kong, kabilang ang 375 na mula sa ibang bansa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
May walong pasyente ng Covid ang nadagdag sa listahan ng mga
namatay – pero walang masyadong nadagdag sa bilang ng mga kinailangang
maospital dahil sa sakit.
Ayon kay Libby Lee, Undersecretary for Health,
napagdesisyunan ang pagpapaluwag muli ng mga patakaran dahil hindi na halos
nadadagdagan ang bilang ng mga nagkakasakit nang malubha nang dahil sa
coronavirus, kaya hindi na hirap magbigay ng serbisyo ang mga ospital.
Gusto din daw ng gobyerno na maibsan nang kaunti ang hirap na
dulot ng Covid sa mga tao sa Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pagdating naman sa pagpayag nila na magtanggal ng mask ang
mga nagpapakuha ng litrato sa mga handaan, katulad ng sa kasal, sinabi ni Lee na
sa tingin nila ay hindi naman ito magdadala ng malaking panganib.
“Nakakatanggap kasi kami ng maraming mensahe sa mga miyembro
ng publiko na ang pagpapakuha nila ng litrato sa stage ng walang mask ay
makakatulong para maibsan ang kanilang mga pag-aalala at humusay ang kanilang
pakiramdam,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng mga kasalukuyang patakaran, maari lang
magtanggal ng mask ang mga dumadalo sa handaan kapag sila ay kumakain o
umiinom. Kailangan nilang ibalik ito tuwing sila ay lalayo sa kanilang mesa.
MAY CHANCE KA PANG MANALO! |
Ang mga restaurant naman ay pinapayagan na magbukas nang
hanggang hatinggabi lamang, samantalang ang mga bar ay hanggang 2am.
Sa pinakahuling mandato ng gobyerno, maaari nang magsamang
magkainan ang 12 katao sa mga restaurant, at anim naman sa mga bar.
Sa handaan naman ay puwede nang mag-imbita ng hanggang 240
katao.
Press for details |
Pagdating naman sa desisyon na buksan nang muli ang mga
barbecuehan, hindi na daw sila nagdadala ng mas malaking panganib kaysa sa mga
restaurant, kung saan maaari nang magkasamang kumain ang 12 katao.
Mahigit isang taon nang sarado ang mga barbecue pits na
pinapatakbo ng gobyerno. Isinara sila noong Hulyo ng 2021 dahil sa biglang
pagdagsa muli ng mga kaso ng Covid-19 sa Hong Kong.
Pero nang tanungin si Lee kung may balak ba ang gobyerno na
muling paluwagin ang mga patakaran para sa mga paparating sa Hong Kong, sinabi
niya na patuloy pa nilang inoobserba ang sitwasyon ng Covid sa buong mundo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Marami ang umaasa na tatanggalin na ang tatlong araw na “medical
surveillance” sa mga bagong dating dahil nangangahulugan ito na limitado ang
kanilang mga kilos sa loob ng panahong ito. Pati ang pumasok sa restaurant o
iba pang lugar na tinatawag na “high risk” ay hindi nila maaaring gawin.
Umaasa din ang marami na tatanggalin na ang maraming Covid
testing na kailangang gawin ng isang bagong dating. Kailangan nilang mag PCR
test paglapag sa Hong Kong airport, at sa ika-2, 4 at 6 na araw ng kanilang
pagdating, at rapid antigen test naman sa loob ng isang linggo.