Ito ang lugar kung saan hinuli ang nasasakdal |
Itinaas ng isang Pilipinang inihabla ng pagbebenta ng droga (drug trafficking) ang alok nyang piyansa sa $7,000, pero tinanggihan itong muli ng mahistrado sa pagdinig ngayon (Oct. 21) sa Kowloon City Courts.
Ayon sa abogado ni Rhea Maristela, 26 na taong gulang at nagtatrabaho bilang waitress, gusto sana nitong makalabas sa kulungan upang maalagaan ang dalawa niyang anak -- isang lalaking limang taong gulang at isang babaeng anim na taon.
Ang dating alok niya na $5,000 ay nauna nang tinanggihan ng
korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pindutin para sa detalye |
Nguni't ayon kay Magistrate Andrew Mok walang nabago sa kalagayan ng kaso para iutos niya na palayaing pansamantala si Maristela.
Idinagdag niya na hindi sapat ang alok na piyansa upang
masigurong babalik siya sa susunod na pagdinig, na itinakda sa Nov. 25.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Press for details |
Kinasuhan si Maristela matapos mahuli siya diumano ng mga pulis noong Oct 13 sa 33-34 Nathan Road sa Tsim Sha Tsui sa aktong pagbebenta ng bawal na gamot.
Ayon sa pulis, nilabag niya ang Section 4(1)(a) at 3 ng Dangerous
Drugs Ordinance, na nagbabawal ng pagbebenta ng droga at mga bagay na may
sangkap na ganito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi inilahad sa charge sheet kung anong klaseng droga at gaano karami ang nakita kay Maristela.
Isang kamag-anak ng nasasakdal na dumalo sa pagdinig ang nagsabi na makabubuti sa
kanya ang manatili muna sa kulungan habang dinidinig ang kaso niya dahil mas
ligtas siya doon.
PADALA NA! |
CALL US! |