$1 na ang halaga ng bawat plastic bag sa katapusan ng taon |
Nakatakdang itaas sa $1 mula sa 50 cents ang halaga ng bawat piraso ng plastic bag na hihilingin para sa mga pinamili sa palengke, grocery o anumang tindahan simula sa Dec 31 ng kasalukuyang taon.
Inaprubahan ang
pagtataas ng singil sa plastic bag sa pulong ng Legislative Council na
isinagawa kahapon, Miyerkules.
Ayon sa bagong patakaran,
ang mga frozen o hindi nakabalot na pagkain katulad ng mga prutas ay hindi na
rin pwedeng hingan ng libreng plastic bag.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga pagkain na
binibili para iuwi sa bahay ay maaari na lang ilagay sa libreng plastic bag,
pero lilimitahin ito sa isang bag bawat order.
Ayon kay Secretary for
Environment and Ecology na si Tse Chin-wan, inaasahan na tatanggapin ng publiko
ang bagong patakaran dahil ipinaalala nito ang kahalagahan ng pangangalaga sa
kalikasan laban sa polusyon.
Ayon pa kay Tse,
napapanahon na itaas ang singil sa bawat plastic bag na hiling ng mga namimili
dahil isang dekada nang 50 cents lang ang bayad para dito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Patuloy din daw ang
pagdami ng mga plastic bag na itinatapon ng publiko na kailangang hanapan ng
solusyon ng gobyerno.
Pero ang hiwalay na
mungkahi na itaas sa $2 ang singil imbes $1 ay hindi pinaboran ng mga
mambabatas.
Nauna rito, minungkahi
ng gobyerno na pabilisin na ang pag-ban sa lahat ng mga plastic na plato at iba
pang gamit sa pagkain.
Press for details |
Ibig sabihin, pati mga
restaurant ay kailangan nang palitan ang lahat ng mga plastic na gamit na hinahapag
nila sa kanilang mga kostumer, kabilang ang straw, stirrer, plato at mga
kutsara’t tinidor.
Inaasahang maipapatupad
na ang unang bahagi ng bagong panukalang sa ikahuling tatlong buwan ng 2023,
imbes sa 2025.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang pangalawang bahagi
ng panukala, na magbabawal ng paggamit pati ng mga plastic cup at lalagyan ng
pagkain, ay ipapatupad nang dahan-dahan, hanggang tuluyan na itong tanggalin sa
2025.
Ang sinumang lalabag
sa bagong batas ay papagmultahin ng $2,000.
PADALA NA! |
CALL US! |