|
Mabibili ang tiket sa Mark Six sa mga tayaan ng HK Jockey Club (File) |
Iisang tao lang ang nanalo ng Halloween jackpot
na $52,210,140.12 (Php386,355,036) sa Mark Six na kinubra nitong Sabado ng
gabi.
Ang kanyang tinayaan na mga numero na nanalo ng
first prize ay 4, 5, 12, 15, 28 at 29. Ang espesyal na numero ay 20.
Samantala, 12 katao ang maghahati-hati ng second
prize, pero tatanggap pa rin sila ng tig $394,720.
Ang susunod na bola ay gaganapin sa gabi ng
Martes, Nov. 1 at mag-uumpisa muli sa $8 million ang jackpot.