Ang Scameter na matatagpuan sa website na CyberDefender |
Libo-libong mensahe ang ipinakakalat ng mga scammer upang mambitag ng biktima: may post sa Facebook na naglalako ng bago at madaling paraan para kumita ng pera, may text sa telepono na nagsasabing may problema sa iyong account sa bangko, may mensahe sa email na nagsasabing mapuputulan ka ng serbisyo at marami pang iba.
Karamihan sa nakatatanggap nito ay hindi pumapatol, pero
marami ang nabibiktima -- gaya ng isang napabalitang
taga-Hong Kong na nawalan kamakailan ng $16.6 million nang mabiktima siya ng isang
cryptocurrency investment scam.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa report, naniwala siya sa isang pekeng eksperto na
nagpayo sa kanya na maglagay ng pera sa isang investment scheme dahil malaki at
sigurado daw ang kikitain. Nabaon siya sa utang sa kakasunod sa payong maglipat
siya ng pera sa walong e-wallet account, hanggang mapagtanto niya na naloko
siya at tumawag ng pulis.
Papaano ba makakaiwas sa mga ganitong scam?
May paraan ang HK Police: isang website https://cyberdefender.hk/en-us/.
Pindutin para sa detalye |
Ang CyberDefender ay inilunsad kamakailan ng Cyber Security
and Technology Crime Bureau ng Hong Kong Police.
Ang layunin nito ay maimulat ang mga tao sa panganib na banta
ng cybercrime sa lahat ng tao, at paano ito maiiwasan. Ang pangunahing feature nito ay ang “Scameter”.
Sa Scameter ay malalaman kung ang pinanggalingan ng mensaheng natatanggap mo – numero ng telepono, email address, web address at iba pa – ay mayroon nang record na nai-report na sa pulisya bilang scam, at kung gaano kapanganib ang pakikitungo sa kanila.
Kapag inilagay mo sa Scameter ang pangalan ng nag-aalok sa iyo ng pagkakakitaan o relasyon at nasa record na ito ng pulisya ay aandar ang metro at tatama sa isang kulay na magbabadya kung ito ay low risk (purple), low to medium (yellow), medium to high (orange) o high risk (red). Ikaw na ang didiskarte pagkatapos kung dapat ka nang umatras, o mag-isip munang maigi.
Maliban dito ay marami ring mababasang mga artikulo ang website, na nagtuturo kung paano maiwasang ma-scam, at mga teknolohya na maaaring magbigay daan sa mga scam na ganito.
Press for details |
Tinatalakay ang iba’t ibang uri ng scam gaya ng WhatsApp hijacking, romance scam, naked chat blackmail, compensated dating scam, online shopping fraud, business email compromise, credit card fraud at online investment fraud.
Sa isang press statement, nagpahayag ng suporta sa proyekto
ang Hong Kong Monetary Authority (HKMA), Hong Kong Association of Banks (HKAB),
at mga kumpanyang may stored value facility (SVF) dahil makakatulong ito sa
kanilang pagsisikap na mabawasan ang panloloko na gamit ng kanilang serbisyo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang datos na nakalap ng website at makakatulong din sa
sector ng pinansiyal sa kanilang pagsugpo sa panloloko na gamit ang kanilang
serbisyo, ayon sa HKMA.
|