Ng The SUN
Nangyari ang pananaksak sa parkeng ito sa Wanchai kagabi |
Dalawang Pilipino ang
pinaghahanap ngayon matapos diumanong saksakin ng kutsilyo ang dalawang
kababayan sa isang parke sa Wanchai, bago tumakas.
Ayon sa pulisya, hindi
magkakilala ang dalawang grupo ng lalaki at nagkainitan lang habang nakaistambay
sa palaruan sa Tai Wo Street sa Wan Chai bandang 9:42pm kagabi.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nasaksak ang dalawang
magkaibigan na ang isa ay edad 40 at ang pangalawa ay 36 taong gulang naman. Itinakbo
silang duguan sa Ruttonjee Hospital kung saan sila nakaratay hanggang ngayon.
Ang mas matanda sa
dalawa ay nagtamo ng sugat sa bibig at mukha at ang kasama niya ay nasugatan
naman sa bibig at ulo. Pareho silang may HKID card.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Wala na ang mga salarin
pagdating ng mga pulis. Pero ayon sa mga saksi, ang dalawa ay parehong nasa 40
ang edad at may taas na 1.8 meters (5’10).
Ang isa ay nakasuot ng
t-shirt na may guhit na asul at puti, at dark brown na pantalon. Ang pangalawa
naman ay nakasuot ng pink na pantaas at khaki na shorts.
Pinanood din ng mga
pulis ang mga kuha ng CCTV sa malapit para mas mapabilis ang paghahanap sa mga
suspek.
Isang kaso ng “wounding”
o pananakit ang itinala ng mga pulis dahil sa pangyayari. Kakasuhan ang mga
suspek nito kapag sila ay nahuli.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang sino mang may alam
o nakasaksi sa pangyayari ay hinihikayat na dumulog sa pinakamalapit na
himpilan ng pulisya para makipagtalastasan.
PADALA NA! |
CALL US! |