Ng The SUN
Tumakas ang 2 suspek matapos ang pananaksak sa parkeng ito sa Wanchai Linggo ng gabi |
Naaresto na kahapon, Martes, ang dalawang Pilipino na
pinaghihinalaang sumaksak sa dalawang kababayan matapos ang alitan sa isang
parke sa Wanchai noong Linggo ng gabi.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay magkahiwalay na
inaresto ng mga pulis sa anti-triad division ng Wanchai Police Station kahapon
ng umaga.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang isa ay 46 taong gulang at naaresto sa hindi
sinabing lugar sa Wanchai, samantalang ang pangalawa ay 55 taong gulang at
nasakote sa Happy Valley. Pareho silang may HK ID card, na ang ibig sabihin ay
hindi sila torture claimant, o naninirahan sa Hong Kong nang ilegal.
Ayon sa pinakahuling report mula sa mga pulis, ang nakababata sa dalawa ay kinasuhan na ng "wounding" samantalang ang pangalawa ay "assault occasioning bodily harm." Pareho pa ring nasa kustodiya ng pulis ang dalawa, at nakatakdang humarap sa Eastern Magistracy bukas, Huwebes.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang dalawa ay sinasabing tumakas matapos saksakin ng
kutsilyo ang dalawang kapwa Pilipino sa Tai Wo Street Playground sa Wanchai
bandang 9:42pm noong Linggo.
Nagka-alitan daw ang dalawang grupo sa isang maliit na
bagay. Hindi magkakilala ang dalawang grupo, pero ang mga nasaksak ay magkaibigan.
Itinakbo sa Ruttonjee Hospital ang dalawang biktima,
edad 36 at 40 taong gulang, na nagtamo ng mga sugat sa mukha,
bibig at ulo. Pareho ding may HKID card ang dalawa.
Agad na nagpalabas ng babala ang pulis na pinaghahanap nila
ang mga suspek. Ang isa ay nakasuot ng t-shirt na may guhit na asul at
puti, at dark brown na pantalon habang ang pangalawa ay naka pink na pantaas at
khaki na shorts.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinanood din ng mga pulis ang mga kuha sa isang CCTV camera
sa lugar ng pinangyarihan.
Ayon sa isang tagapagsalita ng pulis, ang mga nahuli ay
parehong tumugon sa mga pagsasalarawan sa kanila ng mga testigo.
PADALA NA! |
CALL US! |