Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 Pilipinang OS na nahulihan ng droga, bigong mag-piyansa

17 October 2022

Ang gusali sa Wanchai kung saan nahuli ang tatlong akusado


Dalawang Pilipinang overstayer ang hindi pinayagang magpiyansa sa Eastern Courts ngayon (Oct. 17) samantalang ang kasama nilang British sa kasong may kinalaman sa droga ay pinayagang umalis sa Hong Kong kapalit ang pagtaas ng kanyang piyansa sa $50,000 mula $5,000.

Tinanggihan ang alok na $5,000 bilang piyansa upang makalayang pansamantala sina Maria Elda Cabello at si Teodora Quijano, na parehong 33 taong gulang, at nahaharap sa sakdal na drug trafficking o pangangalakal ng droga. 

Ibinalik silang pareho sa kulungan upang doon hintayin ang susunod na pagdinig ng kaso sa Dec. 12.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang Briton na si Sam Valentine Burcher, 23 taong gulang, ay kinasuhan ng drug possession o pagkakaroon ng droga, dahil sa apat na gramo ng marijuana na nakita sa kanya. Siya ay pinayagang umalis sa Oct. 18 upang ituloy ang kanyang pag-aaral sa UK.

Ayon sa dokumento ng korte, si Burcher ay nakitaan ng droga sa hagdan ng third floor ng Hong Kong Building sa Lockhart Road, Wanchai, noong Sept. 2, kung saan si Cabello naman ang nagtitinda ng droga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang dalhin si Cabello sa tinutuluyan niya sa Room 9 ng Ming Court Hotel na nasa 2nd floor ng nasabing gusali ay nakita si Quijano at iba pang droga na hindi binanggit sa sakdal ang dami.

Muling kinasuhan si Cabello ng drug trafficking, at pati na rin si Quijano.

Sa isinagawang imbestigasyon, nadiskubre ding wala nang visa sa Hong Kong ang dalawa. Si Cabello ay napaso ang visa noong Aug 11 ng taong kasalukuyan at si Quijano naman ay noong July 18.

Press for details

Dahil dito ay parehong sinampahan ang dalawang Pilipina ng kasong "breach of condition of stay- overstay."

Sinabi ni Principal Magistrate Ada Yim na tinanggihan niya ang alok nilang piyansa dahil mabigat ang kasong hinaharap nila at matibay ang ebidensiya laban sa kanila. Wala ding kasiguraduhan na babalik sila sa korte sa susunod na pagdinig dahil wala silang permanenteng tirahan dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero may karapatan naman daw silang iakyat ang hiling nilang piyansa sa Court of First Instance.

Samantala ang $50,000 na piyansa naman ni Burcher ay ibababa ulit sa $5,000 kapag bumalik siya sa Dec. 11 para sa susunod na pagdinig.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss