Dalawang Pilipinang domestic helper ang ibinalik sa kulungan matapos ang magkahiwalay na pagdinig sa kanilang kaso.
Tinanggihan ang alok na piyansang $3,000 ni Maribel Erejer, 52
taong gulang, sa Kwun Tong Court ngayon (Oct. 20) sa kabila ng alok ng isang
NGO ng matitirhan kung saan pwede siyang habulin sakaling hindi siya sumipot sa susunod na pagdinig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa halip ay inutos ni Acting Principal Magistrate Amy Chan
na ibalik siya sa kulungan upang doon hintayin ang susunod na pagdinig sa Nov.
9.
Si Erejer ay nahaharap sa dalawang asunto -- ang pagnanakaw
ng $1,000 sa kanyang amo sa Marina Cove sa Sai Kung, at pamemeke ng isang pirasong $1,000 sa pamamagitan ng pagkopya ng magkabilang bahagi nito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang dalawang krimen ay ginawa umano ni Erejer noong Oct. 7.
Ang alok na $3,000 ay galing sa Mission for Migrant Workers,
at ang tirahan ay alok ng Bethune House, na kumukupkop sa mga domestic helper
na nangangailangan ng pansamantalang matitirhan.
Press for details |
Nasa korte si Edwina Antonio, executive director ng Bethune,
upang patotohanan ang alok ng dalawang NGO, pero hindi siya tinawag.
Samantala, ibinalik din sa kulungan ang domestic helper na si
Marilou Dequilla, 56 taong gulang, matapos siyang humarap sa sala ni Presiding
Magistrate Ada Yim sa Eastern Court noong Martes (Oct. 19) sa kasong pagnanakaw ng
tatlong pirasong alahas ng kanyang amo na taga South Bay Close sa Repulse Bay.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kasong isinampa ng pulis noong July 12, isa-isang
ninakaw ni Dequilla ang isang kuwintas na may itim na diamond, isang brilyanteng
hikaw, at isang gintong singsing sa pagitan ng May 13 at July 8 ng taong ito.
Sinabi ng kanyang abogado na hindi siya humiling na
mag-piyansa at handa na siyang magsabi kung siya ay nagkasala o hindi sa susunod
na pagdinig sa Nov. 1.
PADALA NA! |