Ni Daisy CL Mandap
Ang patunay na nagpositibo sa Covid si Ibanez sa takdang araw ng kanyang pagbalik sa HK |
Isa na namang Pilipina na domestic worker ang humihingi
ng tulong dahil tinerminate daw siya matapos siyang magka Covid-19 habang
nakabakasyon sa Pilipinas.
Paalis na sana si Nenith Ibanez, 47, sa Pilipinas
noong Aug 3 matapos ang isang buwan na bakasyon nang matanggap niya ang resulta ng kanyang PCR test na positibo siya sa
coronavirus sa mismong araw ng kanyang lipad papunta ng Hong Kong.
Binigyan siya ng medical certificate ng health officer ng Antipolo City na nagsasabi na nag home quarantine siya mula Aug. 3 hanggang Aug 16. Matapos ito ay sinabi sa sulat na wala na siyang sintomas kaya maari na siyang bumalik sa trabaho.
Sabi ni Ibanez ay pinaalam niya sa employer ito, at
nanghingi ng ilang araw para ayusin ang kanyang mga papeles pabalik, pero
pinadalhan daw siya ng sulat noong Aug 18 at sinabing terminated na siya.
Pagkatapos niyang ipaalam sa Overseas Workers Welfare
Administration na gusto niyang ireklamo ang pag terminate sa kanya ay pinayuhan
siya ni welfare officer Virsie Tamayao na sumulat sa Labour Department gamit
ang kanilang website para dito.
“Sumasagot naman sila agad kahit online,” sabi ni
Tamayao. “May ilan na ring nakasingil ng dapat na ibayad sa kanila kahit wala
sila sa Hong Kong.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kailangan lang daw na may italagang kinatawan ang FDH
sa Hong Kong para makipag-ugnayan sa Labour at tanggapin ang anumang dapat
ibayad sa kanya.
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng Labour Department noong
Feb 24, hindi maaring i-terminate ng employer ang isang foreign domestic helper
na nagkasakit ng Covid-19 at may sick leave, maliban na lang kung may ginawa itong
seryosong paglabag sa kanyang pinirmahang obligasyon.
Bukod dito ay dapat ding bayaran ang FDH sa panahong
ito ay nagpapagaling o naka sick leave.
|
Ayon sa Labour, ang pag terminate sa FDH na may sick
leave ay isang paglabag sa Employment Ordinance, at maari din daw kasuhan ang
employer sa ilalim ng Disability Discrimination Ordinance.
Ang isang employer na lumabag sa batas na ito ay
maaring patawan ng multa ng hanggang $100,000 at hindi payagang kumuha muli ng
FDH sa loob ng itinakdang panahon.
Narito ang buong pahayag tungkol dito: https://www.info.gov.hk/gia/general/202202/24/P2022022400323.htm
Pinadala ni Ibanez sa employer niya ang patunay na naka quarantine sya ng 14 na araw |
Ayon naman sa sulat na ipinadala ng employer sa Immigration ay pinutol nito ang kanilang kontrata dahil hindi daw sumasagot sa kanilang tawag o messages si Ibanez at hindi rin malinaw kung kailan nito balak bumalik sa Hong Kong.
Sagot naman ni Ibanez, kasalukuyan pa siyang
naka-quarantine ay panay na ang tanong ng kanyang employer kung kailan siya
babalik.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Nag reply naman po ako kahit naka under quarantine pa
ako kaso paulit-ulit lang ang sinasabi nila kaya yung iba binabasa ko na lang,”
sabi ni Ibanez sa isang sanaysay.
“Ten days pa lang akong naka quarantine ay gusto na
niya akong mag RAT (rapid antigen test) at magpagawa ng fully recovered letter
sa doctor. Nguni’t ipinaliwanag ko sa kanya na hindi pwede ang gusto niya dahil
dapat 14-60 days ang nasa certificate (dapat) mag-boarding sa Hong Kong.”
Sa Hong Kong kasi, kung mag negatibo sa ika-6 at 7
araw sa RAT ang isang maysakit ay maari na itong ideklara na magaling na. Para
makasakay sa eroplano ay kailangan lang niya ipakita ang patunay sa isang doctor
na magaling na siya, at negatibong resulta mula sa RAT.
Pero ayon kay Ibanez, ang sabi sa kanya sa Pilipinas
ay hindi siya mabibigyan ng certificate na magaling na siya at “fit to work”
hanggang hindi nasisiguro na wala na siyang sintomas pagkatapos ng hindi
kukulangin ng 14 na araw.
Gayunpaman, nakiusap daw siya sa amo niyang bigyan siya
ng isa pang linggo matapos ang kanyang quarantine para ayusin ang mga dokumento
niya para makalipad, at kung maayos niya bago ang takdang palugit ay sasabihin
niya agad para ma rebook ang kanyang air ticket at hotel quarantine, pero hindi
daw ito pumayag.
Nang hindi niya makumpirma na makakaalis siya agad ay
tinerminate siya.
Press for details |
Nagsilbi ng limang taon at kalahati sa kanyang mga amo
si Ibanez, pero binayaran naman daw ang para sa kanyang long service. Pero ang
sinabing isang buwang sweldo niya kapalit ang abiso ay $2,000 pa lang ang
binibigay sa kanya.
Bukod dito ay sinabihan siyang kailangan na niyang
kunin ang mga damit niya na naiwan sa bahay nila ng hindi lalampas sa Sept 10
dahil may kapalit na siya at kailangan ng paglalagyan ng sariling gamit. Kapag
hindi daw niya ipinakuha sa takdang araw ay itatapon ang mga ito.
BASAHIN ANG DETALYE |
Dahil wala siyang mapakiusapan sa mga kaibigan na
kumuha ng kanyang mga gamit ay nakiusap si Ibanez sa OWWA na tulungan siyang
maipadala ang mga ito sa Pilipinas dahil may mga mahahalagang bagay daw na
nandoon.
Nangako naman si WelOf Tamayao na tatawagan ang
employer para masiguro na maipadala ang mga gamit niya nang maayos.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |