(The SUN)
Maaga pa para malaman ang sinapit ng mga nakatira sa kasalukuyang dinadananan ng bagyo -- Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Rizal, at hilagang Quezon -- matapos ito unang tumama sa isla ng Polilio nang bandang 5pm kanina.
Itinatayang lalabas ng bansa si Karding sa Masinloc, Zambales bukas ng umaga.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, sa panayam sa ABS-CBN, kahapon pa nagsimula ang pagpapalikas ng mga 2,500 na pamilyang nakatira sa mga bahain at mabundok na lugar sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Region 3 at Region 5, upang makaiwas sa sakuna.
Hindi mararamdaman ng Hong Kong ang supertyphoon, na may international name na Noru, hanggang Miyerkules kapag nasa gitna na ito ng South China Sea papuntang Vietnam, sa pamamagitan ng bugso ng malakas na hangin.
Ang ulan sa Hong Kong na magsisimula sa Martes, pagkatapos na isang mainit na Lunes, ay hindi manggagaling sa bagyo kundi sa northeast monsoon mula sa karagatan na hilagang silangan ng China, ayon sa Hong Kong Observatory.
Press for details |
BASAHIN ANG DETALYE |
Si Karding ang ikatlong supertyphoon na pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa sa loob lamang ng nakalipas na tatlong linggo; sumunod ito kina Henry na tumama noong Aug. 31 at Josie noong Sept. 17.
Sundan ang pinakabagong abiso sa bagyong Henry, na umabot sa pinakamataas na Signal No. 5 ngayon, sa https://www.pagasa.dost.gov.ph/tropical-cyclone/severe-weather-bulletin.
PADALA NA!
|