Magkakaroon na ulit ang Guhit Kulay, isang grupo ng malikhaing OFW sa Hong Kong, ng workshop matapos ang dalawang taon ng pandemya.
Sa September
18 ay magbibigay ng workshop si Jacklyn Evangelista ng isang espesyal na istilo
ng pagguhit, ang “scribble.” Ito ay ang mabilisang paggulit ng buhul-buhol na
linya upang makagawa ng mukha ng tao.
|
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon kay
Jacklyn, natutunan nya ang istilong ito dahil sa sitwasyon ng kanyang trabaho
lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Laging nasa bahay ang mga amo at kulang
ang oras nya sa pagguhit, kaya lagi syang nagmamadali.
Bilang isang
ina at malayo sa pamilya ang pagguhit ang naging libangan niya upang maibsan
ang kanyang lungkot at kahit pa tuwing araw ng pahinga niya ginagawa nynag
produktibo sa pamamagitan ng pag-guhit.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa taong
2022 ang “scribble” ang pangalawang workshop na ginawa ng Guhit Kulay.
Noong July
26, nagkaroon ng Basic Photography na itinuro ni Jhoan Estrera bago siya
tuluyang umalis ng Hong Kong upang magtayo ng sariling negosyo na pagiging
litratista ng mga kasal, binyag, at iba pang okasyon.
Press for details |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang
“scribble workshop” ay gaganapin sa Bayanihan Center sa Kennedy Town sa Sept.
18, mula 10 nga umaga hanggang 12 ng tanghali.
Sa mga
intresadong sumali mag WhatsApp lang sa numerong ito 59909724 -- Cris.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |