Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy na overstay, nakaiwas sa kaso matapos humiling ng 'non-refoulement'

12 September 2022

 

Nakaiwas sa pag-uusig sa Shatin Court ang Pilipinong overstay

Isang Pilipinong nag-overstay nang tatlong taon ang nakahanap ng paraan upang makaiwas sa pag-uusig sa korte sa salang paglabag sa kondisyon ng kanyang visa (o violation of condition of stay).

Iniurong ng taga-usig ang kaso laban kay Andres Maloles, 57 taong gulang, sa pagdinig noong Sept. 7 sa Shatin Magistrates’ Court. Ito ay dahil pinag-aaralan daw ng  mataas na hukuman ang kanyang aplikasyon para sa non-refoulement o pagtutol sa pagbabalik sa kanya sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Habang nakabinbin ang aplikasyon niyang ito,  pinapayagan siyang manatili sa Hong Kong sa ilalim ng ilang mga kundisyon, katulad ng hindi siya maaring magtrabaho, at dapat mag report sa Immigration sa mga araw na itinakda.

Ito ang unang hakbang para makakuha ang isang dayuhan ng asylum - o ng karapatang mailipat sa isang bansang kakanlong sa kanya dahil nanganganib ang buhay o kaligtasan niya sa kamay ng mga ahente ng pamahalaan sa lugar na kanyang pinanggalingan.

Inaprubahan naman ni Acting Principal Magistrate David Cheung Chi-wai ang pag-urong ng demanda kay Maloles.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi sinabi ng taga-usig kung ano ang ginamit na dahilan ni Maloles upang kumbinsihin ang gobyerno ng Hong Kong na hindi siya dapat pauwiiin.

Ayon sa batas, maaring tutulan ng isang dayuhan ang pagpapauwi sa kanya sa pamamagitan ng refoulement, gamit ang dahilan na papatayin o sasaktan siya ng pamahalaan ng bansang kanyang pinanggalingan.

Pero mahaba ang prosesong ito, at hindi agad naniniwala ang mga opisyal ng Immigration Department sa mga dahilang ginagamit ng mga aplikante upang bigyan sila ng non-refoulement status.

Ayon sa datos mula sa Immigration Department, isa lang sa bawa’t 100 na ganitong aplikasyon ang pumapasa.

Mula 2014 hanggang Abril 2020, 17,618 ang aplikasyong ganito na natanggap nila pero 179 lamang dito ang pumasa, kasama na ang 97 na unang tinanggihan ng Immigration pero tinaggap matapos iapela sa Torture Claims Appeal Board (TCAB).

BASAHIN ANG DETALYE

Unang dumating si Maloles sa Hong Kong bilang turista at lumipas ang kanyang visa noong May 13 2019.

Hindi siya umalis sa takdang araw, na kondisyon ng kanyang visa, hanggang mahuli siya ng Immigration noong April 4, 2022.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!


Don't Miss