Nanatiling malinis ang rekord ng Pilipina matapos dinggin ang kaso niya sa West Kowloon Courts |
Hindi niya nabayaran ang kinuha niyang pagkain sa isang grocery na nagkakahalaga ng $94.70 dahil nalimutan daw niya, ayon sa isang Pilipina na humarap sa West Kowloon Magistrates’ Court sa Cheung Sha Wan ngayon (Sept. 23), sa kasong pagnanakaw.
Dahil sa kanyang paliwanag ay minabuti ng taga-usig na iatras na lang ang kaso laban kay G. Reyes, 47 taong gulang at domestic helper, sa kundisyon na hindi na siya lalabag muli sa batas sa loob ng isang taon. Kung hindi niya ito susundin ay pagmumultahin siya ng $1,000 at idadagdag pa ang parusa para sa bago niyang kaso.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hinuli si Reyes noong hapon ng Aug 12 nang makita ng isang nagpapatrulyang pulis na kinuha niya ang tatlong pakete ng pagkain sa tindahan ng ParkNShop Fusion
sa Sham Mong Road sa Cheung Sha Wan at umalis nang hindi
nagbabayad.
Nang imbestigahan siya ay ipinaliwanad niya na nakalimot lang siya at ipinakitang may $653 siya sa bulsa, na sobra sobrang pambayad sa kinuha niya. Gayunpaman, itinuloy pa rin ng pulis ang sakdal sa kanya.
Pindutin para sa detalye |
Kinasuhan siya ng paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance,
na nagpaparusa sa pagnanakaw ng pagkakakulong ng hanggang 10 taon.
Pero matapos tawagin si Reyes sa korte at basahan ng sakdal, tumayo
ang taga-usig at nagmungkahi na isailalim siya sa isang “bound
over”, o pagsumpa na hindi na niya uulitin ang ginawa.
Press for details |
Nang tanungin ni Principal Magistrate Peter Law kung sang-ayon siya sa mungkahi ng taga-usig, sumagot agad si Reyes ng “Yes.”
Matapos sumang-ayon si Reyes ay isinantabi ang kasong muntik nang sumira sa malinis niyang record sa Hong Kong.
BASAHIN ANG DETALYE |
Sa hiwalay na pagdinig sa harap ni Magistrate Law, napagaang
ang kaso laban sa isang Pilipino na unang inakusahan ng robbery, o panloloob at
pagnanakaw. Ipinalit dito ang mas magaang na kasong “criminal damage”, o
paninira.
Naakusahan si Brian Invento, 22 taong gulang at isang waiter,
ng pagsira sa kahoy na pintuan ng isang kumpanya sa ika-16 na palapag ng isang
gusali sa Sai Yeung Choi St. South sa Mong Kok.
Ipagpapatuloy ang pagdinig sa Nov. 8. Nakakalaya si Invento
sa bisa ng piyansang $10,000.
PADALA NA!
|