Ang kaso ng dalawang Pilipina ay dininig sa Eastern Magistrates’ Court |
Dalawang Pilipina ang napatunayan ngayon (Sept. 6) na
seryoso ang gobyerno ng Hong Kong sa pagpapatupad ng mga patakaran upang labanan
ang Covid-19, nang humantong ang kaso nila sa Eastern Magistrates’ Court.
Ang dalawa ay nahuli sa magkahiwalay na operasyon ng gobyerno
laban sa pagtitipon-tipon ng mga tao, na ipinagbabawal ng Prevention and Control
of Diseases (Prohibition on Gathering) Regulation.
Si Mary Jane Garcia, 43, ay pinagmulta ng $5,000 ni Magistrate Lau Suk-han matapos siyang umamin sa sakdal at nakiusap na payagan siyang bayaran ito ng unti-unti.
Dapat kasi ay umabot sa $10,500 ang babayaran niya dahil pinili niyang umapela sa korte imbes na bayaran agad ang fixed penalty ticket na $5,000. Dahil dito ay dinagdagan pa ito ng multang $5,000 at
$500 na gastos ng korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ngunit dahil sa kanyang apela ay hindi lang inalis ni Magistrate Lau ang mga dagdag na parusa, pinayagan din niya si Garcia na bayaran ng hulugan, o $500 buwan-buwan, ang multa, sa loob ng sampung buwan.
Nahuli si Garcia, kasama ang iba pa, na nakikipag-inuman sa isa sa mga upuan sa ilalim ng tulay na nilalakaran ng mga taong papunta sa Immigration Tower, sa O'Brien Road, Wanchai, noong 4:35 p.m. ng April 5.
Si Ellyn Pinana, 28 taong gulang at walang trabaho, ay may mas
kumplikadong kaso, na dinidinig ni Principal Magistrate Ada Yim.
Kinasuhan siya ng parehong paglabag sa panuntunan laban sa
bawal na pagtitipon, matapos mahuling nakikipagsaya kasama ang iba pang parukyano ng Port
LKF Bar sa D’Aguilar St. sa Central nong Aug. 27.
Habang iniimbestigahan, nadiskubre rin na overstaying na pala siya, kaya hindi na siya pinakawalan.
Nang tawagin ang kaso ni Pinana sa korte, sinabi ng abogado
niya na hindi siya makakadalo dahil nahawa siya ng Covid-19 habang nasa
kulungan.
Noong unang beses na dapat siyang humarap sa korte ay sinabi namang naka quarantine sya dahil tinaguriang close contact ng isang nakasama sa kulungan.
Press for details |
Ipinagpaliban ni Yin ang pagdinig ng kaso sa Sept. 13.
Ang karanasan nina Garcia at Pinana ang naghihintay sa iba pang
Pilipinong mahuhuli, gaya ng 13 Pilipinong inaresto dahil sa ilegal na pagsusugal
noong Linggo (Sept. 4), kasama ang apat na Pakistani, sa tabi ng HSBC
headquarters sa Central.
BASAHIN ANG DETALYE |
Lahat sila ay tinikitan at pinagbabayad ng $5,000 dahil sa
ilegal na pagtitipon. At, gaya ni Garcia, may ilan na pagbabayarin ayon sa
kanilang kakayanan.
Sa ilalim ng Prevention and Control of Diseases (Prohibition
on Gathering) Regulation, ang parusa sa paglabag dito ay multang aabot sa $25,000
at pagkakakulong ng anim na buwan.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |