Tatlong buwang mapipiit ang Pilipinong nasentensiyahan sa Kwun Tong Courts |
Tatlong buwang pagkakakulong ang parusang ipinataw ngayon (Sept. 8) sa isang Pilipinong nahulihan ng methamphetamine hydrochloride o shabu at kagamitan sa paghitit nito.
“Ako ay nagpapasalamat at hindi na uulit,” pangako ni
Patrick Rosales, matapos tanungin ni Magistrate Lam Tsz-kan kung naipaliwanag
sa kanya ang parusa bago ipataw ito, sa pagdinig sa Kwun Tong Courts.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Rosales, 29 taong gulang at tubong Quezon province, ay
nahuli ng mga nagpapatrulyang pulis noong May 30 sa tapat ng isang seafood restaurant
sa Sai Kung.
Inaresto siya matapos makitaan ng 0.12 gramo ng shabu na
nakasilid sa isang plastic bag, at isang tubo na gawa sa kristal, na may bakas
ng sunog sa gawing ibaba.
Ibinaba niya itong tatlong buwan dahil inamin ni Rosales ang
pagkakasala sa nakaraang pagdinig. Pagdurusahan niya ang dalawang sentensiya nang
magkasabay.
Pero dahil mahigit isang buwan na siyang nakakulong,
inaahasang makakalaya siya sa Oktubre.
Si Rosales ay nagtataglay ng Form 8, o recognizance paper, bilang
aplikante para sa asylum. Bago niya nakuha ang papel na nagbibigay pahintulot sa kanya na manatili sa Hong Kong habang dinidinig ang hiling niya na huwag syang pauwiin ay nag-overstay siya, dahil hindi na siya umalis sa Hong
Kong matapos mapaso ang kanyang visa na pang-turista.
Press for details |
Ayon sa kanyang ka live-in na si Jean (hindi tunay na
pangalan) , na nasa korte nang basahan ng parusa si Rosales, mabuti na rin na nakulong ito para makabangon sa pagkalulong sa droga at makaiwas sa masamang barkada.
BASAHIN ANG DETALYE |
Pero nag-aalala daw siya na baka masabit na naman si Rosales sa dating barkada kapag umuwi siya sa kanila sa Palawan sa Disyembre, kung hindi siya isasama ng mga amo papuntang England.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |