Mananatili pa rin ang kaso sa West Kowloon Magistracy hanggang Oct. 3 |
Ipinagpaliban ngayon (Sep. 5) ang paglilipat sa mas mataas na korte ng kaso ng isang Pilipinong nahulihan ng 13.4 gramo ng methaphetamine hydrochloride (o shabu).
Nahaharap si Cresencio Alanguilan II, 44 taong gulang at hardinerong taga Pui O sa Lantau, sa kasong pagkakaroon o possession ng mapanganib na gamot, na ipinagbabawal ng Dangerous Drugs Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Alanguilan ay hinuli noong July 5, 2021 sa lift lobby ng isang residential na gusali sa Tung Chung, at kinasuhan ng pulis noong Nov. 23, 2021.
Sa pagdinig sa harap ni Magistrate Jeffrey Sze Cho-yiu sa West Kowloon Magistracy, humingi ang taga-usig ng karagdagang oras para sa payong legal mula sa Department of Justice.
Dahil hindi humingi na payagan siyang magpiyansa upang makalaya pansamantala, si Alanguilan ay ibinalik sa kulungan.
Press for details |
Ayon sa batas ng Hong Kong, kapag inilipat ang kaso mula sa magistracy, ang pinakamabigat na parusang maaaring ipataw sa isang nasasakdal sa kasong droga ay tataas mula sa limitasyon nitong $100,000 na multa na at pagkakakulong na tatlong taon.
BASAHIN ANG DETALYE |
Kung mailipat ang kaso sa District Court, ang multa ay puwedeng umabot ng $5 milyon at ang pagkakakulong ay aabot sa pitong taon.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |