Ng The SUN
Kailangang sagutin ng employer ang lahat ng gastos sa quarantine ng FDH, at swelduhan ito |
Simula sa umaga ng
Lunes, Sept. 26, ay tatanggalin na ang hotel quarantine at negative PCR o swab
test sa lahat ng mga paparating sa Hong Kong, kabilang ang mga foreign domestic
helper (FDHs).
Ang kailangan lang nilang gawin bago pasakayin sa eroplano papunta ng Hong Kong ay magpakita ng negative result sa rapid antigen test (self-test) na kinuha sa loob ng nagdaang 24 oras, at magsumite ng health declaration online. (Nandito ang link para dito: 香港特別行政區衞生署 健康及檢疫資訊申報 HKSAR Department of Health Health & Quarantine Information Declaration (chp.gov.hk)
Pero ayon sa isang pahayag ng Labour Department na inilabas ngayong araw ng Sabado, may karapatan ang isang employer na ipasailalim pa rin sa quarantine ang kanilang FDH pagdating nila sa Hong Kong ng hanggang pitong araw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi na ito kailangang ihingi ng employer ng permiso sa Labour, pero dapat ay (1) bayaran nila ang hotel, boarding house o ano pa mang lugar kung saan nila gustong mag quarantine ang kanilang FDH at bigyan nila ng food allowance; at (2) suwelduhan ito batay sa kanilang kontrata.
Nandito ang listahan ng mga lisensyadong guest houses sa Hong Kong: Office of the Licensing Authority - Hotels/ Guesthouses - Overview (hadla.gov.hk)
Kung piliin ng employer na hindi na ipa quarantine ang kanilang FDH ay kailangang patuluyin nila ito sa kanilang bahay, at sundan ang mga patakaran sa lahat ng mga bagong dating.
|
Ibig sabihin, maari nang mag-umpisang magtrabaho ang FDH, lumabas ng bahay, sumakay sa mga pampublikong sasakyan at pumasok sa mga lugar na hindi kailangan ng verification code sa ilalim ng vaccine pass.
Pero katulad ng ibang bagong dating, hindi ito makakapasok sa mga restaurant, simbahan, eskwela at iba pang mga lugar na tinatawag na “high risk” kung saan may pangalawang pag-scan ng kanilang QR code para sila makapasok.
Kapag patuloy silang mag negatibo sa mga test ay malilipat sila sa “blue code” sa ika-apat na araw, at libre na silang pumasok kahit sa mga pinagbabawal na mga lugar na ito – kung may booster o ikatlong bakuna na sila.
Press for details |
Sa kanilang pagdating ay isasailalim sila sa PCR test sa airport, at kailangan nila itong ulitin sa ika-2, 4 at 6 na araw pagkadating. Dapat nila itong gawin kahit naka-quarantine sila sa utos ng kanilang employer, kung hindi ay papagmultahin sila ng $10,000.
Ipinapatupad ng gobyerno ang ganitong patakaran dahil nauunawan daw nila na may mga employer na kailangan ng ibayong paghihigpit sa pagpapasok ng ibang tao sa kanilang bahay dahil mayroon silang maliliit na anak o kasamang may edad na delikadong tamaan ng Covid-19.
BASAHIN ANG DETALYE |
Para sa iba pang detalye, narito ang pahayag mula sa gobyerno: https://www.info.gov.hk/gia/general/202209/24/P2022092400139.htm
Maari ding kumuha ng impormasyon tungkol sa mga papasok na FDH dito: www.fdh.labour.gov.hk – o tumawag sa hotline ng Labour Department, 2717 1771, mag email sa fdh-enquiry@labour.gov.hk o diretso sa kanilang website: www.fdh.labour.gov.hk.
PADALA NA!
|