Ng The SUN
Kasalukuyang nasa Victoria Mortuary ang labi ng yumao |
Nakatakdang suriin para sa Covid-19 ang bangkay ng 46
taong gulang na Pilipina na nakitang patay sa kanyang kama sa bahay ng kanyang
employer sa Causeway Bay noong Miyerkules, bandang 7:40 ng umaga.
Ito ay ayon sa dalawang kaibigan ng yumao na kinilala siya bilang si Gessile P. Perya, na taga Bulacan at apat na taon nang nagtatrabaho
sa Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pindutin para sa detalye |
Nagpunta diumano ang dalawa sa Victoria Public Mortuary sa Kennedy
Town nitong Huwebes para opisyal na kilalanin ang bangkay, at ayon sa mga pulis na nakausap
nila ay isasailalim ang labi sa Covid-19 test. Kung positibo ang resulta ay ike-cremate ito sa Hong
Kong.
Pero kung negatibo ang resulta ay isasailalim sa autopsy
ang bangkay para malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay bago ito ipauwi sa
Pilipinas.
How? Pindutin ang poster sa itaas. |
Nakita si Perya na wala ng buhay ng anak ng kanyang
employer sa bahay nila sa Greenfield Mansion, Kingston Street, Causeway Bay.
Ayon sa mga pulis, wala silang nakitang kaduda-duda sa nangyari.
Ayon naman sa ulat sa Mission for Migrant Workers ng
isa sa mga kaibigan ni Perya, nakita diumano ang katawan ng yumao na nakahiga sa
kama ang kalahating katawan, at ang bandang ibaba ay nasa sahig, na parang
gusto nitong tumayo pero hindi na kinaya.
Press for details |
BASAHIN ANG DETALYE |
Wala naman silang alam na dating sakit nito.
Ayon naman kay Consul Paul Saret, pinuno ng Assistance
to Nationals section ng Konsulado, wala pa silang gaanong impormasyon tungkol
sa nangyari dahil maysakit ang employer nito, pero nakatakdang bumisita sa
kanila ang anak nito sa Linggo.
Pero patuloy daw ang pakikipag-ugnayan nila sa mga
pulis at mga kaanak ng biktima tungkol sa kaso.
|