Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kasong money laundering laban sa 5 Pinay, iniakyat sa District Court

29 September 2022

 

Mula sa Kowloon City court ay isinampa sa District Court ang kaso ng 5 Pinay

Iniakyat ngayon sa District Court ang kaso ng limang Pilipinang inakusahang nagkuntsaba sa paglilinis ng kuwartang nanggaling sa krimen, o money laundering, sa pamamagitan ng pag-deposito at pag-withdraw ng malalaking halaga sa kanilang mga account sa bangko.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isinagawa ito kanina sa isang pagdinig sa Kowloon City Magistrates’ Court, matapos hilingin ng taga-usig na pagsamahin ang mga kaso ng mga domestic helper na sina Charity Marquez, Gigi Guieb, Roda Ramos at Maribet Canete and at ng recognizance holder na si Jinky Salmorin.

Nasasakdal silang lahat sa kasong paglabag sa Organized and Serious Crimes Ordiance at sa Crimes Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inaprubahan ni Magistrate Stephanie Tsui May-har ang mungkahi ng taga-usig, na hindi naman hinarang ng mga abogado ng limang akusado.

Walang humiling ng piyansa sa mga nasasakdal kaya mananatili silang nakakulong hanggang sa susunod na pagdinig na gagawin na sa District Court sa Wanchai simula sa Oct. 18.

How? Pindutin ang poster sa itaas.

Ang pag-akyat ng mga kaso sa District Court ay hudyat na mas mabigat ang parusang hinaharap ng mga akusado kumpara sa pinakamataas na sentensyang dalawang taon na pagkakabilanggo na maaring ipataw sa magistracy.

Sa unang sakdal, inakusahan sina Marquez at Salmorin na nakipagsabwatan sa tulong ng isang Julia at iba pang hindi kilalang tao, sa pag-withdraw ng pera mula sa iba’t ibang account sa banko na kontrolado nila, sa pagitan ng Feb. 8, 2021 at July 26, 2021.

Walang binanggit na halaga sa mga na-withdraw nila, pero ang mga perang nakita sa account ng tatlo pa nilang kapwa akusado ay umabot sa $3,551,300 sa kabuuan.

Ayon pa sa mga naunang pahayag ng tagausig ng kaso, naaresto si Marquez sa Hong Kong International Airport noong Jul 26, 2021, ilang oras bago ang takdang paglipad niya sa Maynila, matapos mag withdraw ng $100,000 mula sa mga ATM sa Jordan.

Sa ikalawang sakdal, inakusahan sina Guieb at Jennifer Teofilo (na hindi kasama sa kasong ito) na nagkipagsabwatan sa iba pang hindi-kilalang tao sa sa pagpasok at paglabas ng $319,200 sa HSBC account ni Guieb sa pagitan ng April 17, 2021 at July 26, 2021.

Sa ikatlong sakdal, si Guieb ay inakusahang nakipagsabwatan sa ibang hindi-kilalang tao sa pagpasok at paglabas ng $858,400 sa kanyang account sa Hang Seng Bank sa pagitan ng Nov. 28, 2020 at July 26, 2021.

Press for details

Sa ikaapat na sakdal, inakusahan si Ramos na nakipagsabwatan sa mga hindi-kilalang tao sa pagpasok at paglabas ng $1,382,200 sa kanyang account sa Hang Seng Bank sa pagitan ng Jan. 6, 2021 at July 26, 2021.

Sa ikalimang sakdal, si Caniete ay inakusahang nakipagsabwatan sa isang Maria at iba pang hindi kilalang tao, sa pagpasok at paglabas ng $660,900 sa kanyang Hang Seng Bank account sa pagitan ng March 2, 2021 at July 27, 2021.

BASAHIN ANG DETALYE

Sa ikaanim na sakdal, inakusahan si Caniete na nakipagsabwatan sa isang Maria at iba pang hindi-kilalang tao sa pagpasok at paglabas ng $330,000 sa kanyang bank account sa HSBC sa pagitan ng Feb. 1, 2021 at July 27, 2021.

Sa kanilang takdang pagharap sa District Court ay tatanungin ang mga akusado kung aamin ba sila o itatatwa ang sakdal laban sa kanila. Kapag umamin ay sesentensyahan sila agad, pero kung itanggi nila ang sakdal ay idadaan sila sa paglilitis.

CALL US!

Don't Miss