Ng
The SUN
|
Nangako ang Pilipina sa Eastern Court na hindi na muling lalabag sa batas |
Nabigyan ng isa pang pagkakataon ang isang Pilipinang
domestic helper matapos umamin sa pagnanakaw ng dalawang bote ng vitamins mula
sa isang supermarket sa Sai Ying Pun noong Mayo ng kasalukuyang taon.
Inatras ng tagausig noong Biyernes, Sept 9, ang kasong
pagnanakaw na isinampa laban kay J.A. Morales sa kundisyong babayaran niya ang
$614 na halaga ng mga bitaminang ninakaw niya, at mangakong hindi na muling
lalabag sa batas sa loob ng isang taon, kundi ay magbabayad siya ng karagdagang
$1,000.
Si Morales, 40 taong gulang, ay nahuli matapos nakawin
ang mga bote ng bitamina mula sa Market Place sa Sai Ying Pun noong May 23.
Sa kanyang ikalawang pagharap sa harap ni Principal
Magistrate Ada Yim ay inamin ni Morales ang sakdal, dahilan para pumayag ang
tagausig na ilagay siya sa ilalim ng “bind over” na kasunduan.
Ibig sabihin, hindi siya magkakaroon ng criminal
record kung hindi niya lalabagin ang pangakong hindi na muling gagawa ng
krimen.