The SUN
Ang programa sa dulo ng Chater Road ay inorganisa ng gobyerno ng HK |
Muli na namang nagkaroon
ng programa sa kahabaan ng Chater Road sa Central nitong araw ng Linggo,
samantalang patuloy pa rin ang inspeksyon ng mga tauhan ng gobyerno sa mga
restaurant at bar para siguraduhing naipatutupad ang mga mahigpit na patakaran
laban sa pagtitipon-tipon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nitong Sabado ng gabi hanggang Linggo ng umaga ay 36 katao sa mga bar at 17 sa iba pang mga kainan ang pinagmulta ng tig-$5,000 dahil sa paglabag sa mga iba-ibang patakaran, katulad ng pagtanggal ng face mask gayong hindi kumakain o umiinom, pagsasama sa iisang mesa ng lampas sa itinakdang bilang at hindi pag-scan ng QR code ng lugar bago pumasok.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
May isang namamahala ng bar at 11 ng iba-ibang kainan ang hinuli at nakatakdang kasuhan dahil sa paglabag diumano sa batas na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus, ang Prevention and Control of Disease (Cap 599).
Dahil sa mga nasabing paglabag ay inutusan ang isang bar na magsara ng pitong araw, samantalang 11 na kainan ang pinagbawalang magsilbi ng pagkain sa oras ng hapunan at limitahan sa dalawa katao ang pauupuin sa bawat mesa.
Samantala, 53 katao sa mga bar at restaurant ang natiketan dahil sa paglabag sa patakaran |
Tatlo sa mga restaurant ay kailangang ipatupad ito sa loob ng tatlong araw; tatlo din ang dapat sumunod dito sa loob ng pitong araw; samantalang ang lima ay 14 na araw ang itinakdang parusa.
Noong Biyernes hanggang Sabado ng umaga naman ay may tatlong kainan at isang bar ang pinatawan din ng parusa dahil sa kaparehong paglabag. Ang mga namamahala sa kanila ay kinasuhan din.
Samantala, naging makulay at maingay muli sa Chater Road nitong maghapon dahil sa itinatag na “cultural show” ng pamahalaan. May entablado para sa programa na tinampukan ng mga sayaw mula sa iba-ibang bansang pinanggalingan ng mga migrante, at pati mga booth sa magkabilang gilid ng kalsada.
Press for details |
Ang kaibahan lang, sinarhan ang magkabilang gilid ng daan, at may itinalagang “reception” sa bukana kung saan ang bawat papasok ay kailangan munang mag scan ng QR code ng lugar para masigurong wala silang red o yellow code na nagbabadya na hindi sila maaring makihalubilo sa publiko.
Ang kabilang dulo ng Chater Road ay nanatiling sarado pero patuloy na binabantayan ng mga pulis |
Bantay-sarado rin ang mga nanonood para masigurong nasusunod ang itinalagang dalawang metro na pagitan sa bawat apat na katao na nag-uumpukan.
Ito ang unang pagkakataon simula nang kumalat ang libo-libong kaso ng Covid-19 sa pagbukas ng taon na pinahintulutan ang pagtatanghal sa kahabaan ng Chater Road na nananatiling sarado sa publiko.
BASAHIN ANG DETALYE |
Dahil dito ay sa mga gilid-gilid na lang ng kalsada nagtitiyagang magkita-kita ang mga Pilipino na nakasanayan nang tumambay doon sa araw ng kanilang pahinga.
PADALA NA! |