Ng The SUN
Bagsak din ang halaga ng presyo ng stocks sa Pilipinas kasabay ng pagbaba ng halaga ng piso (PNA) |
Patuloy ang paglakas ng US dollar, at kasabay nito ang pagbagsak naman ng halaga ng pera sa maraming bansa, katulad ng Pilipinas.
Nagsara ang palitan ngayong Biyernes sa Php57.43 sa bawa’t
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil naka-peg sa USD ang HKD ay tumaas din ang palitan nito sa piso. Sa ngayon ang bawat HK$1 ay may kapalit na Php7.30.
Ayon sa samahan ng mga bangko sa Pilipinas, bumaba sa hanggang 57.44 ang palitan sa USD at piso ngayong araw, bago tumaas nang bahagya bago matapos ang takdang oras ng pagsasara ng palitan.
Pindutin para sa detalye |
Simula ngayong pagpasok ng taon ay nawala na ang 11% ng
halaga ng piso kumpara sa
Sabi ng mga eksperto, malamang na bumaba hanggang sa 58 o 60 ang palitan nito sa USD bago matapos ang taon dahil sa nakikitang patuloy na paglakas ng tinatawag na 'greenback,' ang pera ng Amerika.
PRESS FOR DETAILS! |
Lumalakas ang USD dahil sa pagpataw ng bansa ng mas mataas na interest rate, na ang resulta ay ang patuloy na paghatak pababa naman sa pera ng maraming bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas, at pati na rin ang United Kingdom at buong European Union.
Sa darating na linggo ay nakatakdang magpulong muli ang US Federal Reserve Board at inaasahang magtataas muli ng interest rate, dahilan para muling lumakas ang US dollar kumpara sa pera ng ibang bansa.
BASAHIN ANG DETALYE |
Tuwing dumaraan sa krisis ang buong mundo, katulad ng kasalukuyang pandemya dala ng Covid-19 ay tumataas ang inflation rate at umaatras ang maraming namumuhunan o investor, at ang resulta ay ang patuloy na paglakas ng US dollar.
PADALA NA!
|