Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Rehab imbes na kulong para sa umaming nagnakaw ng sapatos

11 August 2022

 

Isa ang Hei Ling Chau sa mga lugar na pwedeng pagdalhan sa Pilipinong adik.

Malaki ang dapat ipagpasalamat ng isang Pilipino na umaming nagnakaw, dahil imbes ipakulong siya ng isang magistrate ng Eastern Courts ay ipinasok siya sa drug rehabilitation upang matulungang makabalik sa normal na buhay.

Pinahaba rin sa siyam na buwan ang panahon para bayaran ni Salvador Bermejo, 28 taong gulang at walang trabaho, ang $3,300 na halaga ng gomang sapatos na ninakaw niya sa biktima sa isang flat sa Wanchai nitong Apr 1.

Sa unang pagdinig sa kaso noong Hunyo ay umamin si Bermejo sa pagnanakaw, at ipinagpaliban ni Magistrate Jason Wan ang pagbibigay ng parusa sa kasunod na pagdinig noong July 28, kasabay ng pagbabayad sa ninakaw niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero hindi sya sumipot sa korte sa takdang oras, kaya ipinaaresto siya ni Magistrate Wan. Pinagawan din siya ng report mula sa probation officer at community worker.

Araw sana ng hatol ngayon (Aug. 11) upang bigyan siya ng parusa na ibabase sa report.

Ayon kay Wan, hindi niya intensyon na ipadala si Bermejo sa DATC (drug abuse treatment center), pero ayon sa report na natanggap niya, nadiskubreng si Bermejo ay lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Halimbawa, nang kunan siya ng dugo habang nakakulong, may nakitang drogang methamphetamine sa kanyang sistema.

“Ang ibig sabihin nito ay inaabuso mo pa rin ang droga kahit nasa korte na ang kaso mo,” ika ni Magistrate Wan.

Sumagot si Bermejo, a pamamagitan ng tagasalin, na ibig niyang ipaalam sa korte na hindi siya regular na gumamamit ng droga.

Pero sinabi ni Wan na naparusahan na siya sa dalawang kasong may kinalaman sa droga.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Ang tagal ng ilalagi ni Bermejo sa DATC ay depende sa bilis ng kanyang pagbangon mula sa pagkalulong sa droga.

Sinabi ni Wan na baka umabot ito ng ilang buwan, at ito ang dahilan kaya binigyan siya ng dagdag na panahon upang humanap ng ibabayad sa kanyang biktima.

Pero sinabi ni Wan na kung mahihirapan siyang magbayad ay dapat siyang magsabi sa korte, dahil kung hindi pa niya nababayaran ang buong halaga sa deadline at wala siyang pasabi ay ipapaaresto siya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss