Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinang akusado sa $844k na pagnanakaw, haharap sa District Court

06 August 2022

Didinggin sa District Court ang kaso ng pagnanakaw na isinampa sa Pilipinang empleyada

Inakyat na sa District Court ang kaso ng isang Pilipina na inakusahang nagnakaw ng $844,793 na kabuuang halaga ng iba’t ibang uri ng salapi mula sa pinagtatrabahuan niyang palitan ng pera sa Pedder St., Central.

Binasahan ng binagong akusasyon si Jonah Bayogo, 41, sa harap ni Magistrate Lau Suk-han ng Eastern Magistracy nitong Biyernes, Aug 4. Sa unang kasong isinampa sa kanya ng pulis, ang halagang sinasabing ninakaw ni Bayogo ay HK$995,635.78.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinakda ang susunod na pagdinig sa Aug. 25, na gagawin sa District Court, kung saan ang parusang maaaring ipataw ay higit na mas mabigat kaysa sa magistracy. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa batas ng Hong Kong, ang pinakamabigat na parusang maibibigay ng magistracy ay dalawang taong pagkakakulong at multang hanggang $100,000. Pero sa ilang mga natatanging kaso ay maari itong itaas ng isang mahistrado ng hanggang tatlong taong pagkakakulong at multang $300,000.

Nauna rito, hindi pinayagang magpiyansa si Bayogo noong May 20 dahil sa malaking halagang sangkot sa kaso, at dahil wala diumanong kasiguruhan na mananatili siya sa Hong Kong.

Ang mga ninakaw umano ni Bayogo noong June 28, 2019 sa isang money exchange sa Pedder St., Central, na may kabuuang $844,793 ay: 

104,255 Hong Kong dollars

6,845 United Arab Emirates Dirhams (na katumbas ng HK$14,555.59)

6,980 Australian dollars (katumbas ng HK$40,910.20)

Press for details

2,960 Swiss francs (katumbas ng HK$23,305.92)

2,550 Canadian dollar (katumbas ng HK$15,558.10)

226,634 Chinese yuan (katumbas ng HK$263,096.45)

3,060 euros (katumbas ng HK$24,460.42)

3,210 British pounds (katumbas ng HK$30,421.45)

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

18,130 Indian rupee (katumbas ng HK$1,837.46)

1,137,000 Japan yen (katumbas ng HK$66,123.06)

3,080 Macau patacas (katumbas ng HK$2,988.05)

12 Malaysian ringgit (katumbas ng HK$21.14)

5,920 New Zealand dollar (katumbas ng HK$29,045)

105,300 Philippine peso (katumbas ng HK$14,880.44)

21,375 Singapore dollar (katumbas ng HK$120,282.26)

40,880 Thai baht (katumbas ng HK$9,246.74)

33,700 new Taiwan dollar (katumbas ng HK$8,830.46)

3,977 US dollar (katumbas ng HK$73,231.25)

5,200,000 Vietnam dong (katumbas ng HK$1,743.87)

Ang akusasyon laban kay Bayogo ay paglabag ng Section 9 ng Theft Ordinance ng Hong Kong, na nagtatakda ng parusang aabot sa 10 taong pagkabilanggo. 

CALL US!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Don't Miss