The SUN
Ang Planet Employment Agency ay nasa mall na ito sa Mei Foo |
Isang employment agency
sa Mei Foo ang tinanggalan ng lisensiya dahil sa paglabag sa ilang patakaran na
nakapaloob sa Code of Practice for Employment Agencies, ayon sa isang pahayag
ng Labour Department na inilabas ngayong araw ng Biyernes.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang Planet Employment Agency ay napatunayang (1) hindi nagpaabot ng tamang impormasyon sa employer; (2) hindi nagbigay sa employer ng lahat ng dokumento na may kinalaman sa kanilang kasunduan; (3) hindi paggawa ng kasulatan kung saan nakasaad ang lahat ng detalye tungkol sa binigay nitong serbisyo sa foreign domestic helper (service agreement), katulad ng kung may babayaran ba ito o hindi.
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa pahayag ng Labour Department, inapela ng agency ang pagtanggal sa
lisensiya nito sa Administrative Appeals Board pero bigo itong mabago ang
desisyon.
Sa ilalim ng section 53(1)(c)(iv)ng Employment Ordinance, maaaring tanggalan ng Commissioner for Labour ng lisensiya ang isang ahensiya kung sa tingin nito ay may ginawang paglabag sa Code ang naturang ahensya.
Ayon sa Labour Department, ang Code ang nagtatakba ng lahat ng mga panuntunan na dapat sundan ng lahat ng mga employment agencies sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Ayon naman sa Employment (Amendment) Ordinance na nagkabisa noong Feb 9, 2018, maaring tanggalan o tanggihang bigyan muli ng lisensya ang isang ahensya kung sa tingin ng Commissioner ay may sapat na ebidensya na nagpapakita ng paglabag nito sa mga panuntunan.
Press for details |
Kabilang sa mga paglabag na ito ang pagsingil ng labis sa isang FDH, pagpapatakbo ng isang recruitment agency ng walang kaukulang lisensya, at paglabag sa mga panuntunan sa ilalim ng Code of Practice.
Simula noong 2020 ay 11 ahensya na ang tinanggalan ng lisensiya ng Labor Department, kabilang ang pinakahuling kaso na ito.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Sino mang may tanong o reklamo laban sa mga employment agencies ay maaring tumawag sa Employment Agencies Administration ng Labour Department sa numero 2115 3667, o bumisita sa kanilang opisina sa Unit 906, 9/F, One Mong Kok Road Commercial Centre, 1 Mong Kok Road, Kowloon.
CALL US! |
PADALA NA! |