Umuwing wagi ang Pilipino matapos pumayag magbayad ang dating employer ng $60,000. |
Isang Pilipino ang nakakubra ng $60,000 sa kanyang dating employer matapos siyang i-terminate sa trabaho niyang pag-aayos ng mga bakal (o reinforcing bars) para sa isang gusaling itinatayo sa Chek Lap Kok Airport.
Pumayag na si Reagan Tabalanza sa alok ng dalawang
kumpanyang inihabla niya sa Labour Tribunal – Build King-Able Joint Venture at
ang labor sub-contractor nitong Po Hing (Hing Yip) Engineering Co.Ltd. -- kahit
nabawasan ng higit sa 1/3 ang kabuuang $96,921.01 na kanyang unang hinahabol.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nagkaayos ang dalawang panig matapos itigil muna ni Deputy
Presiding Officer Vivian Lee ang pagdinig at hayaan silang mag-usap sa labas.
Nang bumalik sila sa pagdinig pagkatapos ng ilang minuto, handa na silang
magpirmahan ng kasunduan sa harap ni Lee.
Ang una sa listahan ng hinahabol ni Tabalanza ay ang 11.5 na
araw na hindi siya binayaran, sa suweldong $1,500 bawa’t araw na batay sa
kontratang pinirmahan nila, o $17,250.
Dahil ang talagang bayad sa kanya ay $1,250 imbes na ang
naka-kontratang $1,500, hiningi rin niya ang balanse sa walong buwan niyang
pagtatrabaho o $36,171.01.
Dahil pinatigil siyang bigla sa trabaho, hiningi niya ang
$27,000 bilang kabayaran sa 18 araw na karaniwan niyang pagpasok sa isang buwan,
bilang kabayaran sa isang buwang abiso.
Press for details |
Hiningi din niya ang pitong araw na bakasyon o $10,500 at holiday pay na $6,000
Ayon kay Tabalaza, may mga hindi daw siya naisama sa reklamo na gusto niya
rin sanang habulin, gaya ng palaging naantalang pagbabayad ng suweldo, ang
hindi binayarang MPF (Mandatory Provident Fund), 7 araw na “injury leave” at pagbabalik
ng $50 na kinukubra mula sa kanya ng foreman sa bawa’t araw na pinagtrabaho
siya.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Ipinagpaliban ni Lee ang usapan tungkol dito, lalo na sa $50
na kinukubra ng foreman dahil mukhang may panunuhol na nangyari, na kailangan
ng isang hiwalay na imbestigasyong kriminal.
Nang tanungin ni Lee ang kinatawan ng dalawang kumpanya kung
ano ang masasabi nila sa hinihingi ni Tabalanza, sinabi nila na handa na silang
bayaran siya noon pa, pero nagreklamo ito sa Labour Department kaya naantala
ang proseso.
Ang hiningi lang nila ay ang pagtakda ng suweldo ni Tabalanza
sa $1,250 dahil ito na ang nakagawian, kahit na ang nakasulat sa kontrata – sa salitang
Intsik – ay $1,500.
Pinapili ni Lee si Tabalanza kung ipipilit niya ang kanyang
hinihingi, o bukas siya sa pakikipag-usap upang makuha na ang mga hinahabol niya.
Nang matapos ang usapan, pumayag na si Tabalanza sa kabuuang
$60,000 para sa lahat ng hinahabol niya. Ang Build King-Able Joint Venture ay
magbabayad ng $14,375 at ang Po Hing (Hing Yip) Engineering Co. Ltd. ay $45,625.
PADALA NA! |
CALL US! |
PRESS FOR DETAILS |