The SUN
Sa mga ATM isinasagawa ang paglilipat-lipat ng perang galing sa krimen |
Isang Pilipina ang umamin ngayon (Aug. 17) na ipinagamit niya sa ibang tao ang kanyang ATM card upang maglinis ng perang galing sa krimen, o ang tinatawag na money laundering.
Ito ay isa sa dalawang kasong iniharap ng taga-usig laban
kay Arline Baydal, 41 taong gulang na galing sa Iloilo, sa harap ni Magistrate
Lau Suk-han sa Eastern Magisracy.
Inamin ni Baydal ang kasong paglabag sa Section 25(1) at
25(3) ng Organized and Serious Crimes Ordinance o ang paghawak ng perang pinaninawalaan
o alam na galing sa krimen.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang kasong ito ni Baydal nagmula sa pag-deposit at pag-withdraw
ng kabuuang $167,975 sa ATM account niya sa Hang Seng Bank sa pagitan ng Dec. 8
2021 at March 1, 2022.
Pero itinanggi niya na nakipagsabwatan siya upang pumasok at lumabas sa kanyang ATM account ang kabuuang halaga na $177,875 sa pagitan ng Oct. 10, 2021 at March 1, 2022.
Dahil sa kanyang pag-amin sa unang kaso ay hindi na hinabol ng taga-usig na
idiin pa siya sa ikalawa, o ang pakikipagsabwatan sa ibang tao upang isagawa ang krimen.
Press for details |
Gayunpaman, kahit itinanggi ni Baydal ang ikalawang kaso-- na base
sa dalawang batas ng Hong Kong, ang Organized and Serious Crimes Ordinance at
ang Crimes Ordinance – mananatili ito sa kanyang rekord, ayon sa hukom.
Inutos ni Magistrate Lau na kumpiskahin ang mobile phone ni
Baydal, na ginamit bilang ebidensiya, dahil may
mga impormasyon pang makukuha dito na makakatulong sa pulisya na madakip
ang iba pang sangkot sa krimen.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Ibinalik din sa pulisya ang iba pang ebidensiyang ginamit
laban kay Baydal.
Humiling naman ng mas mababang parusa ang abogado ni Baydal, base sa kanyang pag-amin at malinis na rekord sa Hong Kong.
Hindi agad nagbaba ng sentensya si Magistrate Lau, at inutos na gawan ng background report si Bandal upang gawin niyang basehan sa pagpaparusa, na itinakda niya sa Aug. 31.
Ibinalik sa kulungan si Baydal bago ang takdang pag sentensya sa kanya.
PADALA NA! |
CALL US! |