Ang nasamsam na droga mula sa mga rubber tubes |
Iniakyat ngayon (Aug. 1) sa mataas na hukuman ang kaso ng isang Pilipina upang sentensiyahan, matapos siyang umamin sa Eastern Magistrates’ Court sa kasong “attempting to traffic in a dangerous drug”.
Bago siya tinanong kung aamin siya o hindi sa sakdal ay ipinaliwanag ni Magistrate Jason Wan na maaring hindi magbigay ng kahit na anong pahayag ang akusado dahil mabigat ang parusa sa kasong ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa kabila nito ay pinili pa rin ni Nellie Pangosban, 35, na aminin ang kaso laban sa kanya. Sinabi niya na siya nga ang tumanggap ng isang kargamento ng mga rubber tubes na may nakaipit na ipinagbabawal na gamot noong May 21, 2021, na sanhi na kanyang pagka-aresto.
Hindi hiniling ni Pangosban na payagan siyang magpiyansa bago ang kanyang sentensiya kaya inutos ng korte na ibalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso na itatakda sa Court
of First Instance sa High Court.
Ayon sa akusasyong isinalin sa wikang Tagalog at binasa sa akusado, nasabat ng mga operatiba ng Customs and Excise Department noong May 14, 2021 ang isang paleta ng mga rubber tube sa Customs House sa Kwai Ching.
May nakita silang nakaipit na bagay sa limang rolyo ng gomang
kasama sa paleta at, matapos ang pagsusuri, nasamsam nila ang 4.96 kilo
ng drogang methamphetamine.
PRESS FOR DETAILS |
Upang mahuli ang consignee o pagdadalhan sana ng shipment na ikinarga sa barko mula sa Thailand, naghanda ang mga opisyal ng Customs ng isang operasyong tinawag nilang “controlled delivery”.
Pinalitan nila ng asukal ang methamphetamine at tinawagan ang
nakalistang consignee na nagngangalang Kenneth, na nakipag-kasundo na sasalubungin
ito sa isang car park sa Yuen Long.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinaligiran din nila ang napagkasunduang lugar ng delivery upang mahuli ang mga nasa likod ng drug shipment.
Pero ang nagpakita upang tanggapin ang kargamento ay hindi si
Kenneth kundi ang Pilipinang si Pangosban, na nagpakita ng kopya ng HKID at
Canadian passport ni Kenneth na ipinadala sa kanyang mobile phone.
Inaresto si Pangosban pero hindi natagpuan si Kenneth.
Press for details |
Sa imbestigasyon, sinabi ni Pangosban na ang nagsabi sa kanyang sunduin ang kargamento ay ang kanyang dating boyfriend, na nagbigay sa kanya ng $100 at nangako ng karagdagang $2,500 kapag natanggap niya nang maayos ang padala.
Sinabi rin niya na ito ang kauna-unahang pagkakataon na tatanggap siya ng ganitong kargamento, at hindi niya alam ang laman ng paletang tatanggapin niya.
Nakuha sa kanya ang $100, dalawang mobile phone, at isang
recognizance slip, na nagsasabing siya ay humihingi sa Immigration Department
na huwag siyang pwersahang pauwiin sa Pilipinas kahit wala na siyang visa.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Nang tanungin siya kung sumasang-ayon siya sa mga binasa sa
kanya, sumagot siya ng oo.
Nang itanong sa kanya ng mahistrado kung boluntaryo ang
kanyang pag-amin sa kasalanan, sumagot siya ng, “Gusto ko talagang mag-plead guilty.”
Sinabi si Wan niya na hindi direkta ang sagot ni Pangosban
sa tanong niya.
Dito kinumpirma ng Pilipina na boluntaryo nga siyang umamin.
CALL US! |
PADALA NA! |