Nasentensyahan si Olivia Tabas sa West Kowloon court |
Isang Pilipina na nabistong overstay nang mahuli dahil sa pagnanakaw nang dalawang beses sa isang tindahan sa Tsuen Wan, ang nagtamo ng patong-patong na parusa matapos umamin sa apat na asuntong iniharap sa kanya sa West Kowloon Law Courts ngayong araw ng Martes.
Ang pinaka-mabigat na parusa kay Olivia Tabas ay pagkakulong
nang 12 buwan, dahil sa asuntong inihabol lamang dahil nadiskubre sa wallet
niya ang isang Hong Kong ID card na hindi kanya, habang siya ay iniimbestigahan
sa istasyon ng pulis.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Bakit niya itinago?” tanong ni Acting Principal Magistrate
Veronica Heung Shuk-han sa abugado ni Tabas habang nagpapaliwanag na wala itong
masamang hangarin sa HKID na nakapangalan sa isang Indonesian.
Dito nabisto na walong buwan nang paso pala ang dating visa ni Tabas, 38 taong gulang. Sinampahan siya ng karagdagang kaso ng pag-overstay at paggamit ng HKID ng ibang tao.
Ang binigay na parusa sa kanya dito ay 14 na araw na pagkakulong. Isinabay ni Heung ang pagtakbo ng parusang ito sa 12 buwang parusa para sa pagtataglay ng HKID ng ibang tao.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinarusahan din ni Magistrate Heung si Tabas ng anim na araw na kulong matapos nitong aminin ang pagnanakaw ng 18 piraso ng tsokolate na may halagang $503 sa isang tindahan ng Wellcome sa Tsuen Wan noong May 5, 2022.
Binigyan din niya ng kaparehong parusa si Tabas sa ikalawang pagnanakaw, nang bumalik ito sa tindahan noong araw ding iyon upang magnakaw ng iba’t ibang produkto na nagkakahalaga ng kabuuang $1,352.
Ang mga ninakaw niya: isang bote ng gatas, dalawang buko, isang pakete ng abalone at mushroom, isang pakete ng Chinese sausage, siyam na bote ng sauce, isang karton ng fermented bean sauce, isang bote ng XO sauce, dalawang bote ng chili sauce, tatlong bote ng oyster sauce,isang karton ng chili sauce, tatlong pambalat ng prutas, dalawang ceramic na kutsilyo, tatlong pakete ng durian, isang tablecloth, dalawang abre-lata, dalawang karton ng pamparikit ng apoy sa barbeque, at dalawang lata ng gas.
Dahil pinagsabay din ang pagtakbo ng parusa sa dalawang kaso ng pagnanakaw, ang kabuuang sentensiya ni Tabas ay isang taon at anim na araw.
Press for details |
Nagtatrabaho si Tabas bilang domestic helper nang
ma-terminate siya noong October 14,
2021. Hindi na siya nakakuha ng bagong employer at hindi na rin umalis ng Hong
Kong.
Sinabi ng kanyang abogado na ang mga krimen ay naging
masakit na aral para sa kanya, at malinis ang rekord niya bago rito.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Naging mabuting ina rin siya para sa kanyang dalawang anak
na lalaki na tanging siya ang inaasahan mula nang maghiwalay silang mag-asawa.
Basahin ang dagdag na detalye sa naunang balita ng The SUN tungkol
sa kasong ito: https://www.sunwebhk.com/2022/07/pinay-na-nabistong-overstay-matapos.html
PADALA NA! |