Si Mylen Dumali habang pauwi na sa among taga Kennedy Town. |
Isang Pilipina na kumuha ng Hong Kong ID gamit ay dalawang magkaibang pangalan, ang nakaligtas sa kulong nang patawan siya ng suspendidong sentensiya ni Deputy Magistrate Fung Lim-wai ng Shatin Magistracy.
“Para akong
nabunutan ng tinik,” ika ni Mylene Dumali, 32 taong gulang, nang mapaupo sa
lugar na hintayan ng mga tao sa labas ng korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa dokumento
ng nagparatang sa kanya ng dalawang paglabag sa batas, dumating si Dumali sa Hong
Kong noong Sept. 19, 2006 upang magtrabaho bilang domestic helper, gamit ang pangalang Erlinda Munchalog.
Umuwi siyang
pansamantala sa Pilipinas, at nang bumalik ay kumuha ng HKID noong Oct. 22,
2021 sa pangalang Mylene Dumali, at sinabi niyang hindi siya nagpalit ng pangalan
sa kanyang aplikasyon para sa kanyang visa.
Ito ang naging
basehan ng unang kaso niya, ang paglabag
sa Immigration Ordinance, na nagbabawal sa pagsisinungaling sa isang Immigration
officer na gumagawa ng kanyang tungkulin.
Ang ikalawang sakdal, ang paglabag sa Registration of Persons Regulations, ay dahil sa kanyang pag-apply ng bagong HKID noong May 4, 2022, bilang pagtugon sa kampanya ng gobyerno na palitan ng Smart ID card ang mga lumang HKID.
Press for details |
Dito nabisto sa
pamamagitan ng fingerprint na mayroon siyang naunang HKID sa ibang pangalan.
Sa paglilitis
na ginanap kahapon (Aug 24), iniatras ng taga-usig ang unang kaso laban kay Dumali,
at umamin siya sa ikalawa.
Sinabi ng
kanyang abogado na naiintindihan na ni Dumali ang kanyang pagkakamali at gusto pa
niyang patuloy na magtrabaho sa kanyang among nakatira sa Kennedy Town.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Dahil sa
kanyang pag-amin, binigyan ni Magistrate Fung si Dumali ng 1/3 discount sa
sentensiyang tatlong buwan, kaya dalawang buwan ang natira. Pinagmulta rin siya
ng $1,000, na kukunin sa kanyang piyansang ganoon din ang halaga.
Pero dahil
sinuspendi ni Fung ang sentensiya, hindi na makukulong si Dumali kung hindi na siya
magkakasala sa loob ng dalawang taon.
Sa isang panayam matapos ang kaso, sinabi ni Dumali na iba ang ginamit niyang pangalan nang dumating siya sa Hong Kong dahil siya ay 16 na taong gulang pa lamang noon at bawal pang magtrabaho.
Ikinuha daw siya ng passport na may ibang pangalan ng kanyang dating employment
agency na siya ding naglakad sa kanyang mga papeles.
PADALA NA! |
CALL US! |
PRESS FOR DETAILS |