Nakaiwas sa kulong ang Pilipina sa pagdinig na ginawa sa Shatin Courts, |
Isang Pilipinang domestic helper ang nakaligtas sa kulong nang parusahan siya ng suspended sentence matapos naumaming sinaktan niya ang alagang apat na taong gulang na babae.
Nabunutan ng tinik si G. Liga, 34 taong gulang at mula
sa North Cotabato, nang isalin sa Tagalog para sa kanya ang hatol ni Magistrate
Edward Wong Ching-yu sa Shatin Magistracy.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang parusa ni Liga ay nagsimula sa 15 buwang
pagkabilanggo, pero binawasan ng 1/3 dahil sa pag-amin niya, kaya naging 10 buwan.
Dahil suspendido ang hatol nang 12 buwan, hindi makukulong si Liga kung hindi siya magkakasala ulit sa loob ng panahong
ito. Ibinalik rin ang piyansa niyang $500.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kinasuhan si Liga dahil pinalo niya sa kamay at
kinurot sa likod ang alaga nyang babae nang makitang nawawala ang isa nitong
medyas noong Nov. 5, 2021 habang pauwi na sila mula sa kindergarten na
pinapasukan ng bata sa Tai Wai, Shatin.
May nakakuha ng larawan sa nangyari at inilabas ito
sa isang Facebook page ng isang concern group tungkol sa mga DH, na nakita ng ina
ng bata.
Dinala ang bata sa Queen Elizabeth Hospital at doon
nakita ang pamumula sa braso at likod niya.
Tumawag ng pulis ang amo ni Liga at ipinaaresto
siya. Sinisante na rin siya nito.
Sa video interview ng pulis, inamin ni Liga na nasaktan niya
ang bata dahil sa bugso ng kanyang damdamin, at upang patigilin ang kalikutan
nito na maaring maglagay sa kanya sa panganib dahil nasa labas sila.
Press for details |
Sinabi ng abogado ni Liga na malinis ang rekord nito sa Hong
Kong at pinagsisisihan niya ang ginawa sa alagang napamahal na sa kanya.
Gusto na rin nyang umuwi at alagaan ang mga magulang at
dalawang anak niya na nasa Pilipinas, dagdag ng abogado.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Nang tanungin ng hukom kung ano ang nararapat na parusa sa
ganitong kaso, sinabi ng abogado ni Liga na mainam ang suspended sentence.
Sinabi naman ni Magistrate Wong na hindi dapat gamitin ang
dahas sa mga bata, at binigyan niya ng ganitong parusa si Liga upang magsilbing
paalala na huwag na siyang uulit.
CALL US! |
PADALA NA! |