Napawalang-sala si Leah San Esteban sa pagdinig na isinagawa sa West Kowloon Courts. |
Isang Pilipina ang napawalang-sala ngayon (Aug. 26) sa District Court sa kasong panloloob at pagnanakaw (burglary), kasama ang isang Indian na lalaki na umamin sa krimen at pinarusahan ng pagkabilanggo.
Ayon kay Deputy District Court Judge Newman Wong, hindi sapat na nakita sa video si Leah San Esteban, 41 taong
gulang, na kasamang naglalakad sa Hennessy Road, Wanchai, si Maninder Singh
Maria bago ito pumasok mag-isa sa isang gusali doon noong May 9, 2021, para sabihing may kinalaman ito sa krimen.
Isinantabi ni Wong ang akusasyong kasabwat sa krimen si San
Esteban, na nagtataglay ng recognizance form - patunay na humihiling siyang huwag pauwiin nang puwersahan sa Pilipinas dahil baka siya saktan o patayin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa isang video na ipinakita noong dinidinig ang kaso sa West
Kowloon Courts, nakitang magkasama ang dalawa nang dumating sa harap ng gusali.
Pumasok ang Indian sa gusali at naiwang mag-isa si San Esteban sa kalye.
Pindutin para sa detalye |
Sa isa pang video, nakita si Maria na umaakyat sa gusali at nanghablot
ng isang bagay mula sa kisame, pero pagkatapos nito ay walang nakitang bagay na hawak ang lalaki. Paglabas
ni Maria sa gusali, sabay silang lumayo ni San Esteban.
Inaresto ng pulis ang dalawa sa isang silid ng isang malapit
na hotel, at doon nakuha ang damit na suot ni Maria nang siya ay manloob sa
gusali. Isinangkot ng pulis si San Esteban sa krimen bilang lookout, o taga-bantay.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Matapos basahin ang kanyang hatol, pinatayo ni Wong si San Esteban.
“Dapat mong ituring na suwerte ka sa kasong ito…. Sana ikaw ay maging masunurin
sa batas na miyembro ng komunidad,” ika ni Wong.
Nang isara ni Wong ang kaso, pinaligiran si San Esteban ng kanyang
abogado at mga kasama nito. “Thank you so much!” ika niya.
Ipinasok ulit siya sa silid ng mga akusado upang doon
antayin ang pagproseso ng kanyang mga papeles at ibalik ang mga ari-ariang
sinamsam sa kanya, bago siya palayain.
Si Maria, 34 taong gulang at permanenteng residente sa Hong
Kong, ay naiwan sa korte upang patawan ng sentensiya sa kasong ito, at sa isa
pang kasong isinabay sa pagdinig.
Press for details |
Sa dalawang sakdal na iniharap sa kanya sa kaso nila ni San
Vicente – dalawang beses na panloloob sa iisang gusali, kung saan kasama si San
Esteban sa una at isang hindi kilalang lalaki sa ikalawa – ay pinarusahan siya ng tig-22 buwang pagkabilanggo,
na sabay niyang pagsisilbihan.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Sa isa pang kaso na sangkot siya, ang tangkang panloloob sa Quarry Bay noong March 24 2021, pinarusahan siya ng walong buwang pagkabilanggo na pagsisilbihan niya pagkatapos ng nauna niyang sentensya. Sa kabuuan ay 30 buwan ang ilalagi niya sa kulungan.
PADALA NA! |
CALL US! |
PRESS FOR DETAILS |