Nakiusap ang nasasakdal sa korte na ipagpaliban muli ang kanyang kaso (File) |
Pinagbigyan ng Eastern Magistracy ang isang Pilipina sa hiling nitong ipagpaliban ang pagdinig ng kanyang kasong drug trafficking, pero binalaan siyang ito na ang kahuli-hulihang pagkakataong palawigin ang kanyang kaso.
Sa nakatakdang pagdinig ngayon (Aug. 8), humarap si
Christine Reynoso, 34, isang residente na nagtrabaho bilang saleslady, kay
Magistrate Lau Suk-han na may bagong abogado sa kaso niyang paglabag sa Dangerous
Drugs Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Agad humingi ng paumanhin ang abogado na hindi niya maayos
na maipagtatanggol si Reynoso dahil kailangan muna niyang basahin ang mga
dokumentong naipon tungkol sa kaso.
Dahil dito, hiningi niya na ipagpaliban ang pagdinig sa Nov.
7.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kaya kung pagbibigyan man ng hukom ang kahilingan, dagdag ng
taga-usig, ito na dapat ang magiging huling pagbibigay sa nasasakdal.
PRESS FOR DETAILS! |
Tumalima naman si Lau sa parehong hiling. Itinakda niya ang
susunod na pagdinig sa Nov. 9 na may kasamang babala na ito na ang huling
pagpapaliban sa kaso.
Dahil wala siyang hiling na payagang magpiyansa, ibinalik si
Reynoso sa kulungan.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Nahuli si Reynoso ng mga pulis sa isang flat sa Temple Street, Yau Ma Tei, noong Feb. 17, 2021, at nasamsam diumano sa kanya ang pitong plastic bag ng methamphetamine hydrochloride o shabu. Ang dalawang bag ay naglalaman ng 0.63 gramo sa kabuuan, ang anim ay may lamang 14.5 gramo, at ang isa ay may 0.93 gramo naman.
Hindi pa siya nagbibigay ng pahayag kung aamin siya o itatanggi ang mga paratang.
PADALA NA! |