Maghaharap ang dalawang panig sa paglilitis na gagawin sa Kwun Tong Magistracy |
Itinanggi ng isang Pilipinang domestic helper ang dalawang kasong
pagnanakaw na iniharap sa kanya ngayon (Aug. 9) sa Kwun Tong Magistracy.
Sumagot ng “Not guilty” nang dalawang beses si Rhea Labrador,
38 taon gulang, matapos basahin sa Tagalog ang mga akusasyon sa kanya ng dati niyang
among si Chiu Wing Hei at kasama nila sa bahay na si Nancy Chiu Ng sa Silver Terrace
Road, Tseung Kwan O.
Dahil sa pagtanggi ni Labrador sa akusasyon, itinakda ni Principal
Magistrate Bina Chainrai ang paglilitis ng kaso sa Oct. 24-25. Ibinalik ang Pilipina sa kulungan hanggang sa muli niyang pagharap sa korte.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa taga-usig, anim na saksi ang tetestigo laban kay
Labrador, kasama ang ebidensiya gaya ng CCTV video, sa dalawang araw na hiningi
nila para sa pagliliis.
Ang sinabing ninakaw ni Labrador kay Chiu Wing Hei na nagkakahalaga ng $280,000 ay: (1) isang pares ng brilyanteng hikaw; (2) isang pares na hikaw na Bulgari; (3) isang kwintas; (4) iIsang 10-cent Malaysian ringgit coin; (5) isang puting card holder; (6) dalawang bag; (7) limang lipstick; (8) dalawang case ng eye shadow; at (9) isang bote ng face cream.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Ang sinabing ninakaw ni Labrador kay Nancy Chiu Ng na nagkakahalaga ng $3,500 ay: (1) sang pares ng Gucci high heel na sapatos, (2) isang payong, (3) limang supot (4) apat na Chinese New Year decoration, (5) dalawang notebook, (6) 118 red packet na walang laman, (7) tatlong bote ng pabango.
PADALA NA! |