Ni Daisy CL Mandap
Nag viral ang mga kuha kay Dela Paz na umiiyak matapos hindi pasakayin sa eroplano pauwi sa Pilipinas |
Ang Pilipinang na-stroke at umuwing luhaan mula sa
Ito’y matapos makipag-ayos sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si Ma Lourdes dela Paz, 46, na una nang sinisi ang ahensya dahil hindi daw siya sinabihan na kailangan niya ang clearance nila para pasakayin sa eroplano ng Philippine Airlines.
Ang nag-viral na litrato ni Dela Paz na umiiyak at nakasalampak sa trolley ng bagahe matapos malamang hindi na siya makakauwi ang nagbunsod sa bagong talagang OWWA administrator na si Arnell Ignacio na imbestigahan ang kanyang reklamo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nitong Linggo ay nagpatawag pa ng pulong si Ignacio sa mga
lider ng iba-ibang organisasyon sa
Dahil sa isinagawang imbestigasyon ni Ignacio ay inatasan ng
OWWA welfare officer sa
Nangako din ang pinuno ng OWWA na gagamitin nila ang nangyari kay Dela Paz para pag-ibayuhin ang kanilang serbisyo sa mga OFW sa Hong Kong.
Ang ilan sa mga sumali sa online consultation na pinatawag ni Admin Ignacio |
Kanina ay sinundo ng tauhan ng
Bukas naman ay sasamahan siya sa Hong Kong International Airport ng nurse ng OWWA na si Joszoa Villa at executive director ng Bethune na si Edwina Antonio para alalayan siya sa kanyang pagsakay ng eroplano.
Ayon kay Antonio, masasamahan si Dela Paz hanggang sa
boarding gate ni Villa, at inaasahan nila na may sasalubong sa kanya paglapag
ng kanyang eroplano sa
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nakatapos ng dalawang kontrata si Dela Paz, na may-asawa at dalawang anak, sa magkaibang amo sa Hong Kong bago nagdesisyon na lumipat muli ng employer nitong Hunyo.
Maayos naman daw ang kalagayan niya sa bagong amo. Pero nakakaisang buwan pa lang sa kanila si Dela Paz nang bigla siyang makaramdam ng panghihina at matinding pananakit ng ulo noong Jul 30.
Dahil nagpatuloy ang kanyang mga sintomas ay agad nang tinawagan ng alaga niyang matanda ang anak nito kinabukasan para madala si Dela Paz sa ospital.
Pinauwi siya noong Aug 20, pero pagdating sa bahay ng kanyang amo ay sinabihan siyang ite-terminate na siya dahil hindi na niya kakayanin ang magtrabaho pa. Binayaran naman daw siya ng tama.
Dahil may palugit pa siyang 14 na araw ay nagdesisyon si Dela Paz na magpahinga muna sa Bethune House. Pero nang marinig niya na may kasamahan siya doon na pabalik na sa Pilipinas noong Biyernes ay nagdesisyon siyang umuwi na rin para may kasabay siya.
Press for details |
Pagkatapos siyang i-book ni Antonio ng tiket noong
Miyerkules ay agad nilang ipinaalam sa agency ang
Hindi na raw nila alam kung pinaabot ng ahensya sa OWWA ang desisyon niya – pero sigurado siya na walang nagsabi sa kanya na kakailanganin niya ng clearance para makasakay sa eroplano pauwi.
Masayang ibinalita ni Dela Paz ang kanyang pag-uwi sa isang online chat |
Inabot man ng aberya at kontrobersya ang
Ayon kay Antonio, na kasama sa mga dumalo sa online na pulong na ipinatawag ni Ignacio, kasama sa mga tinalakay ang reklamo ng 42 OFW na nagka Covid sa pagtanggi ng OWWA sa HK na bigyan sila ng ayuda.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Nabanggit din ang hindi pagsusuot ng ID ng mga taga OWWA, na ayon sa ilang mga lider ay dapat nilang ginagawa para makilala nila kung sino ang hindi gumagawa ng kanilang tungkulin, o nagtatrato ng hindi tama sa mga OFW.
Nangako daw si Ignacio, kasama ng dalawa pang opisyal na dumalo din sa talakayan, na pag-aaralan ang mga inilatag na daing at suhestiyon ng mga lider, at babalikan sila pagkatapos ng isang linggo.
“Let’s start with a clean slate,” ang sabi daw ng pinuno ng OWWA.
PADALA NA! |