Ni Daisy CL Mandap
Si Dela Paz na hirap lumakad, matapos hindi pasakayin sa eroplano pauwi sa Pilipinas |
Kumalat sa Facebook nitong nakaraang mga araw ang
isang post na nagpapakita sa isang Pilipinang domestic helper na
umiiyak sa Hong Kong International Airport dahil hindi pinasakay at wala
daw siyang dalang medical clearance.
Ayon kay Ma Lourdes de la Paz na kagagaling
lang sa stroke, ay nagpunta siya sa opisina sa Overseas Workers Welfare Administration
noong Lunes, Aug 22, na dala-dala ang kanyang mga papeles at nanghingi ng
tulong.
Hindi naman daw siya sinabihan na kailangan niya ng
clearance para makasakay ng eroplano. Wala din siyang nakuhang tulong dahil ang
sabi ay doon na lang siya sa Pilipinas maglakad ng kanyang mga benepisyo dahil
taga Maynila naman siya.
Ang ibinigay lang daw sa kanya ay mask at isang paketeng kape
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pati ang hiling niyang escort papunta sa HK airport ay
hindi napagbigyan, gayong dati nila itong ginagawa bilang tulong sa mga
maysakit. Bago nga nag pandemya ay sinasamahan pa sila sa pagsakay sa eroplano
ng mga tauhan ng OWWA hanggang makarating sila sa Pilipinas.
Pero pinangakuan naman daw siya na pagdating niya sa
Maynila ay may taga OWWA na susundo sa kanya.
Tiyempo namang may kasama siyang nakatira sa Bethune
House Migrant Women’s Refuge na pauwi noong Biyernes, Aug. 26, kaya nakiusap
siyang makisabay na lang dito.
|
Pero pagdating niya sa airline counter para mag check-in ay hiningan daw siya ng patunay na maari na siyang lumipad pauwi.
Nang wala
siyang maipakita ay sinubukan daw ng mga tauhan ng airline na hilingin sa
kanilang opisina sa Pilipinas na payagan siyang makasakay pero walang sumasagot sa telepono.
Ang kinalabasan, hindi siya nakasakay sa eroplano at
nasayang daw ang ticket na binili pa ng isang NGO bilang tulong sa kanya.
Agad namang sumagot ang bagong-talagang OWWA
Administrator Arnell Ignacio sa post ni Lhene Apilan Danzalan tungkol sa kaso,
at sinabing magsasagawa sila ng imbestigasyon.
Sabado ng umaga ay tinawagan ni welfare officer Dina
Daquigan si De La Paz, at sinabihan na dapat ang agency nya (Galilee) ang
nagsiguro na makakasakay siya ng eroplano nang walang aberya.
Sinagot naman daw ito ni De La Paz ng, “Bakit ang
agency (ang dapat gumawa nito), ma’am? E Pilipino ako. Dapat ang OWWA ay
tinutulungan kaming mga OFW, lalo na iyung mga maysakit.”
Sinabi din ng OFW na talagang pinalagay niya sa Facebook ang kaawa-awa niyang kalagayan dahil pagod na pagod na siya at alalang-alala naman ang pamilya niya sa kanya. Kung sana ay binigyan lang daw siya ng karampatang tulong ng OWWA nang lumapit siya sa kanila ay nakauwi na siya.
Pagkatapos ng pag-uusap nilang ito ay agad nilagay ni
Administrator Ignacio ang screen shot ng usapan nina Daquigan at De La Paz sa
kanyang Facebook account at sinabi ang “Ayan na si Ma Lourdes dela Paz.
Scheduled for repat.”
Screen shot ng usapan nina Daquigan at Dela Paz na nilagay ni Ignacio sa Facebook |
Inilagay din ni Ignacio ang isang report galing sa
OWWA Hong Kong na nagsasabi na ipinaalam lang daw sa kanila ng agency na paalis
na si Dela Paz sa mismong araw ng kanyang takdang paglipad.
Mayroon naman daw certificate si Dela Paz na “fit to fly”
na siya, kaya lang ay hindi nakakuha ang airline ng permiso sa opisina nila sa
Pilipinas na pasakayin ito.
Ang agency na rin daw ang mag rebook sa ticket ni Dela
Paz, at sila na din ang bahalang humanap ng makakasabay nito sa eroplano.
Press for details |
Sa paratang na hindi nila nabigyan ng tulong si Dela Paz ay kinumpirma naman ng OWWA HK na sinabihan siyang sa opisina na lang sa Maynila siya dumulog.
Mas gusto din daw niyang tumira sa Bethune House kaya
hindi siya nabigyan ng pansamantalang matutuluyan ng OWWA.
Dahil pinost ni Ignacio sa wall ni Danzalan ang
litrato ng chat nina Dela Paz at Daquigan ay hindi napigilan ni Edwina Antonio,
executive director ng Bethune House ang magsabi ng, “Hindi nyo nga siya
kinausap man lang. Nagpa picture lang habang kausap ni Welof Dina. After
kuhanan ng picture sa whatsapp, ginamit na ninyo itong picture para i-post sa
Facebook ninyo.”
Agad ding sumagot si Ignacio ng, “Ako? Naku e ako e
tutulong na lang, ha. Kung saan saan mo na dinadala ang conversation. Nagtataka
ako, natulungan na nga galit ka pa rin. Tapos ngayon ako na ang iniisip mong
dapat kausap e yung welfare officer na nagha handle nasa HK, ako nandito sa
Pilipinas. Anyway kung galit ka pa rin e ako e hindi galit. Pag pe pray na lang
kita na sumaya. Ako concern ko e matulungan si Ma Lourdes.”
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Hindi naman nagpaawat si Danzalan na sumagot din, at
sinabing obligasyon ng OWWA na gabayan ang lahat ng mga OFW.
“Parang utang na loob pa po ng OFWs na bigyan sya ng
assistance…obligasyon nyo po yan…sinalo na nga po ng NGO ang obligasyon ninyo…”
Bago ito ay nagkaroon din ng pagtatalo online sina
Ignacio at Antonio, na kinatigan ni Danzalan. Tinanong kasi ni Antonio na bakit
pinapasa ng OWWA ang obligasyon nito sa agency, pati ang pagbili ng ticket ng
OFW pag-uwi.
Sagot naman ni Ignacio ay nasa kontrata ng OFW yun. “Bakit
mo pababayaan makalibre ang agency sa obligasyon niya? E tinupad naman ng
agency.”
Ganting hamon naman ni Antonio, “Saan ho nakalagay sa
kontrata nila na obligasyon ng agency ang repatriation ng mga OFWs?”
Mabuti na lang at sinamahan ni Danzalan si Dela Paz sa airport |
Ayon naman kay Danzalan, kung ginawa ng mga taga OWWA
HK ang trabaho nila ay hindi sana nagka aberya. Mabuti na lang daw at nasamahan
niya itong pumunta sa airport dahil baka kung ano na ang nangyari kung mag-isa
lang ito nang sabihan na hindi sya makakasakay.
“God bless you,” ang tugon naman ni Ignacio.
Pero sa kanyang sariling account ay may pahabol si
Ignacio: “Kapag di pa natutulungan ang dami nag co comment. Pero kapag
natulungan na parang walang kagana gana netizens. Ako nagtataka lang. Ano ba
posisyon natin sa ganitong sitwasyon. Excited lang ba tayo sa problema, hindi
sa solusyon?”
Samantala, hindi pa rin malinaw kung kailangan
makakauwi si Dela Paz, at kung anong klaseng tulong ang makukuha niya mula sa
OWWA sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
PADALA NA! |
CALL US! |
PRESS FOR DETAILS |