Hinatulan ang Pilipina sa Kowloon City Magistracy |
Anim na linggong pagkabilanggo ang ipinataw ngayon (Aug. 2) sa isang Pilipinang domestic helper matapos siyang umamin na kinurot sa braso ang alaga niyang anim na taong gulang na batang lalaki.
Si Robina Victore, 33, ay agad pinalaya dahil nakakulong na
siya nang halos walong linggo, na labis na sa kanyang parusa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang hatol kay Victore ni Acting
Principal Magistrate Peony Wong ng Kowloon City Magistracy ay nagsimula sa siyam
na linggong pagkabilanggo. Binawasan niya ito ng isang ikatlo -- o tatlong linggo
-- dahil sa pag-amin ni Victore at paghingi ng kanyang abugado ng kaluwagan.
Sinabi ng abugado na nasaktan ni Victore ang bata, na alaga na
niya mula noong ito’y isilang, dahil sa bugso ng damdamin at hindi niya naisip
ang legal na kahihinatnan nito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Binanggit din ng abugado na sumulat si Victore sa mga magulang
ng bata para humingi ng tawad at magsabing pinagsisisihan niya ang nagawa.
Idinagdag nito na gusto na rin ni Victore na umuwi nang tuluyan upang
maalagaan ang kanyang ina.
Naganap ang pananakit noong umaga ng Jun 7 sa bahay ng amo
niya sa Ho Man Tin sa Kowloon.
Ang kurot ni Victore sa kanang braso ng alaga, na tinawag
lang na X sa mga dokumento sa korte, ay nag-iwan ng sugat.
Press for details |
Nagsumbong ang bata sa ina, at dinala siya sa Queen Elizabeth
Hospital.
Sa imbestigasyon ng pulis, unang itinanggi ni Victore na
sinaktan niya ang bata.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Dahil dito, sinampahan siya ng kaso noong Jun 9 upang sa korte na siya magpaliwanag, at hindi na
pinakawalan ng pulis.
Maliban sa parusang natanggap, nawala rin ni Victore ang
pagkakataong mabayaran ng long service pay dahil lampas sa limang taon na siya
sa amo.
CALL US! |
PADALA NA! |