Ni
Daisy CL Mandap
Ayon sa RA 11199, 13% ng buwanang kita ng isang OFW ang kailangang ibayad sa SSS para sa 2022 |
Hindi pala ang sapilitang pagbabayad sa PhilHealth (Philippine
Health Insurance Corporation) ang maaring magbigay ng pinakamalaking alalahanin
sa mga overseas Filipino workers kundi ang bayarin para sa SSS (Social Security
System).
Ito ang lumabas sa pagpapaliwanag na ginawa ni Alann C.
Mas ng Rise Against Government Exactions o Rage, sa isang pulong na ginawa
noong Linggo, Jul 31.
Pero sa ngayon, ayon na rin sa mga reklamong
pinarating ng ilang lider ng Filipino community na dumalo sa pulong, ang
nagdudulot ng pinaka malaking problema sa mga OFW na umuuwi para magbakasyon ay
ang “expanded coverage” ng mandatory insurance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon kay Mas, lingid sa kaalaman ng marami ay noon pa
isinabatas ang sapilitang paniningil sa mga OFW para sa SSS, alinsunod sa
Republic Act 11199 na pinirmahan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Feb 7,
2019. (https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2019/ra_11199_2019.html_
Batay din sa batas na ito, ang dapat bayaran ng mga
OFW na kumikita ng hindi bababa sa Php25,000 na “maximum salary credit ngayong
taong 2022 ay 13% ng kanilang sahod buwan-buwan. Ibig sabihin, ang dapat nilang
bayaran buwan-buwan ay Php3,250 o Php39,000 taon-taon.
Sa darating na 2023 at 2024 ay tataas ang maximum
salary credit sa Php30,000 na dahil sa kasalukuyang taas ng palitan sa dolyar ay
saklaw pa rin ang mga foreign domestic worker sa Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Itataas din sa 14% ang buong kontribusyon ng mga “self-employed”
na manggagawa katulad ng mga OFW kaya ang pinakamababang dapat nilang bayaran kada
buwan ay Php4,200 o Php50,400 taon-taon.
Mas lalo pang tataas ang babayaran sa 2025 dahil 15%
na ng buwanang sweldo ang ikakaltas, at itataas sa Php35,000 ang maximum salary
credit. Ang buwanang bayad sa ganitong kwentahan ay Php5,250 at Php63,000 bawat
taon.
Ayon kay Mas, ang batas na ito na hindi man lang
ikinunsulta sa mga OFW bago ipinatupad ay nagpapakita ng “unfair treatment of
overseas workers.”
Paliwanag ni Mas, “Sabi sa batas kaming mga lang-based
OFWs ay katulad ng mga self-employed members at kakarguhin namin ang buong
kontribusyon kasi hindi naman pwedeng pagbayarin ang aming mga employers o sabihan
sila na mag share sa bayad.”
Hindi daw dapat gawing sapilitan ang pagiging miyembro
sa SSS ng mga OFW dahil dagdag-pahirap ito lalo na sa panahon ng pandemya.
“Bakit hindi igalang at bigyan ng kalayaan ang bawat
isa sa amin na mamili sa pagpapa miyembro?,” tanong ni Mas.
“Ang Php3,250 na buwanang kontribusyon na ipinapataw
sa isang minimum wage earner dito sa HK ay sobrang bigat. Imbes na ipapadala na
lang sa pamilya at pandagdag sa nagtataasang mga bilihin ngayon ay mawawala pa.”
Si Mas habang tinatalakay naman ang bayarin sa PhilHealth |
Press for details |
Simula kahapon, Aug 1, lahat ng mag aapply para sa overseas employment certificate o OEC ay hinihingan na ng Pag-IBIG number, na katibayan na nagbabayad sila sa ahensya na itinatag para magbigay ng pautang para sa pabahay at investment.
Dagdag ni Mata, ang mga gustong magmiyembro sa SSS o magpatuloy ng kanilang pagbabayad bilang miyembro ay maaari pa ring magbayad ng minimum na buwanang kontribusyon na Php1,040 o ng maximum na Php3,250.
Ang isa pang bayarin na mariing pinoprotesta ng mga migrante ay ang para sa PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation na ayon sa RA 11223 o Universal Health Care Law ay kailangan ding kolektahin ng sapilitan sa mga OFW.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Alinsunod sa batas na ito na pinirmahan din ni Pangulong Duterte noong February 2019, itataas ang porsyento na ikakaltas mula sa buwanang suweldo ng mga manggagawa taon-taon simula sa 2020.
Para sa kasalukuyang taon, 4% na ng buwanang suweldo ng mga manggagawa ang kakaltasin para sa pambansang health insurance. Sa mga FDW sa Hong Kong na minimum ang sahod, mangangahulugan ito ng Php1,300 na bawas sa kanilang buwanang suweldo, o Php15,500 kada taon.
Mabuti na lang at sinabi ng kinatawan ng PhilHealth sa isinagawang pagpupulong na hindi kailanman ikinabit sa OEC ang pagbabayad para dito, bagamat nananatili itong batas.
Ang pangatlong bayarin ay kasalukuyan nang sinisingil
sa mga kumukuha ng OEC, at ito ay para sa expanded mandatory insurance. Ayon sa
mga dumating sa Hong Kong kamakailan, siningil sila ng hanggang Php8,000 bago
sila binigyan ng OEC sa POEA sa kanilang lugar.
Dati, ang mga OFW lang na paalis sa Pilipinas sa unang
pagkakataon ang sinisingil nito, pero alinsunod sa direktiba ng Department of
Labor and Employment na ipinatupad ngayong Marso ng kasalukuyang taon, pati ang
mga dati nang OFW ay kailangan nang magbayad para dito.
Kapag pinagsama-sama ang mga bayarin na ayon sa mga batas
o direktiba na inaprubahan na pero hindi pa lahat pinatutupad, aabot sa hindi
kukulangin sa Php5,000 bawat buwan ang kanilang dapat ipaluwal mula sa kanilang
sahod, o Php60,000 sa isang taon.
Hindi kataka-taka na karamihan sa mga OFW ay umaalma ngayon, hindi lang dahil sa biglang pagtaas ng mga bilihin, kundi dahil din sa pakiramdam nila ay naging gatasan na sila ng pamahalaan sa Pilipinas.
SUSUNOD: Ilegal ba ang expanded mandatory insurance?
CALL US! |
PADALA NA! |