Ang Port, isa sa mga nilooban ng magkapatid, sa Knutsford Terrace, TST. (Google Maps photo) |
Dalawang magkapatid na Pilipino ang ipinakulong ng 44 at 30 buwan bilang parusa, matapos parehong umamin sa isang serye ng panloloob at pagnanakaw na nangyari sa loob lamang ng isang buwan noong 2021.
At dahil lumabas sa pagdinig na ang isa sa kanila, si Cloyd de Vera, ay nakatira sa isang public housing unit na nakapangalan sa kanyang inang umuwi na sa Pilipinas, iniutos ni District Court Judge Ernest M. Lin ang dagdag-parusang pagpapalayas sa kanya upang maibigay ang flat sa mas karapat-dapat.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Magkahiwalay na sinampahan ng kaso ang magkapatid na Cloyd at
Dennis De Vera, pero pinag-isa ang limang paratang sa iisang asunto nang
dinggin ni Judge Lin. Magkasamang akusado ang magkapatid sa dalawang paratang,
at si Cloyd ay mag-isang akusado sa tatlong iba pa.
Nagsimula ang panloloob noong June 3, 2021 nang pinasok ng
magkapatid ang isang opisina sa 18th floor ng isang gusali sa Yau Ma
Tei. Natangay nila ang isang red packet na may lamang $100, dalawang mobile
phone, isang laptop computer at $54,000 cash.
Pindutin para sa detalye |
Ang buong pangyayari ay nakuha sa CCTV. Nakita rin sa lugar
ang pliers na ginamit nilang pambasag sa salaming pinto ng opisina, at mga patak ng
dugo na napatunayan sa pagsusuri na galing kay Cloyd, na nasugatan.
Sa araw ding iyon ay mag-isa namang pinasok ni Cloyd ang isang
shop sa Tsz Wan Shan Shopping Center sa Tsz Wan Shan, Kowloon, at tinangay ang
isang cash box na may lamang $1,000, cash na $2,000, 17 prepaid mobile phone
voucher, 31 SIM card, 92 kaha ng sigarilyo at dalawang botelya ng alak.
Ang ikatlong panloloob ay nangyari noong June 9, 2021. Ang
magkapatid ay pumasok sa Port Restaurant na dating pinagtrabahuan ni Cloyd sa
Knutsford Terrace sa Tsim Sha Tsui at tinangay nila ang 37 botelya ng alak.
Nangyari ang ikaapat na panloloob noong June 23, 2021.
Pinasok ni Cloyd, na may kasamang lalaki na nagsilbing bantay sa labas, ang
isang restaurant sa Sai Ying Pun.
Press for details |
Tinangay ni Cloyd ang cash na $1,200, isang notebook
computer, isang mobile phone, isang hard disk at dalawang bote ng alak.
Natunton ng mga pulis si Cloyd sa isang hotel sa North Point
noong June 29, 2021.
Sa paghahalughog sa silid nito, nahanap nila ang isang resealable na plastic bag na may lamang 0.06 gramo ng methamphetamine hyrochloride (o shabu), at isang gamit nang plastic straw na may bakas ng nasabing droga.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Sa kaso ni Dennis nadagdagan ng 15 buwan ang panimulang 30
buwan dahil dalawang beses siyang kasama sa krimen. Pero dahil umamin siya sa
paratang, ibinawas din ang dagdag na parusa, kaya ang natira ay 30 buwang pagkabilanggo.
Sa kaso naman ni Cloyd, dinoble ng huwes ang 30 buwang parusa
dahil lumabas sa pagdinig na siya ang pasimuno sa mga krimeng nangyari.
Idinagdag niya dito ang anim na buwang parusa para sa pagkakaroon ng droga,
kaya naging 66 buwan.
Mula sa 66 na buwan, ibinawas ni Judge Lin ang 1/3 dahil sa
pag-amin ni Cloyd, kaya ang natira ay 44 na buwang pagkabilanggo.
Ayon sa kanilang abugado, ang dalawa ay nakapagsilbi na ng
11 na buwan sa kulungan, na ibabawas sa kanilang sentensiya.
CALL US! |
PADALA NA! |