Dalawang taon nang hinihintay ni Marsha na matapos ang kaso niya sa Shatin Magistracy |
Tatlong taon na si Marsha Love Anabeza sa Hong Kong pero hindi makapagtrabaho simula nang siya ay dumating bilang domestic helper noong Aug 15, 2019, dahil sa tatlong kasong isinampa laban sa kanya ng Immigration Department.
Nagsimula ang mga kasong ito nang umurong ang among kumuha
sa kanya bago siya lumipad papuntang Hong Kong, pero hindi ito ipinaalam sa
kanya ng employment agency at pinatuloy pa rin siya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kung tutuusin, biktima siya ng human trafficking, na maaaring siyang dahilan kung bakit dalawang taong hindi umuusad ang mga kaso na
isinampa laban sa kanya noon pang Aug 14, 2020.
Ang dahilan na laging sinasabi ng taga-usig para sa pagpapaliban ng pagdinig nang ilang beses ay upang humingi ng payong legal mula sa Department of Justice.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ito ay kahit inamin na niya noon pang Dec. 2, 2021 ang mga paratang sa kanya.
Pero mawawakasan na ang mga kaso, dahil hahatulan na sya ni Acting Principal Magistrate David Cheung Chi-wai sa susunod na pagdinig sa Dec. 1 sa Shatin Magistracy.
Ayon sa taga-usig sa pagdinig na ginawa nitong Lunes sa
Shatin Magistracy, nahuli na ang employment agent na may kagagawan ng gusot na
kinasangkutan ni Anabeza at sasampahan na ng kaso sa Setyembre.
Masayang tinanggap ito ng abogado ni Anabeza. “Matagal na siyang naghihintay na tumestigo,” ika nito sa wikang Ingles.
Press for details |
Noong June 21, nakatulong siya sa pag-aresto ng ahenteng nanloko sa kanya nang dumalo siya sa identification parade, kung saan kinilala niya ito mula sa ilang lalaking iniharap sa kanya.
Pansamantalang nakakalaya si Anabeza sa bisa ng piyansang $1,000.
Ginawa ni Anabeza ang unang kasalanan -- ang pagsasabi sa isang Immigration officer sa airport na DH siya ng isang residente, na hindi totoo – noong Aug 15, 2019. Ito ay paglabag sa Section 42(1) (a) ng Immigration Ordinance.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Ang ikatlong asunto niya ay ang pagsasabi sa Immigration
officer na sinesante siya ng kanyang employer noong Oct. 5, 2019 dahil hirap na
siyang bayaran nito, samantalang hindi naman siya talagang nagtrabaho para dito.
Umaasa siya na sa susunod niyang pagdulog sa korte sa Dec. 1 ay matatapos na ang kanyang paghihintay sa pagkakataong magtrabaho at mamuhay nang normal para makapagpadala na siya ng pera sa kanyang pamilya sa Koronadal, South Cotabato.
PADALA NA! |