Bawal ang sumakay ng taxi kung wala sa tamang lugar |
Isang aksidenteng kinasangkutan ng isang Pilipino ang naging babala sa mga mahilig sumakay ng taksi kahit alanganin.
Sumakay si BGF, 30, sa taksing nakahinto dahil naka-red light sa isang
kanto sa Shau Kei Wan Road noong Oct. 12, 2019.
Hindi pa niya naisasara ang pinto ng taksi nang mag-green ang ilaw at umusad ang mga sasakyan.
Dahil dito, sumagi sa nakabukas na pinto ng taksi ang katabing
kotse, na nagsanhi ng gasgas sa parehong sasakyan.
Sa imbestigasyon ng pulis, itinuro si BGF na nagsanhi ng
aksidente.
Kinasuhan siya ng paglabag ng mga regulasyon sa ilalim ng Road Traffic Ordinance noong Dec. 18, 2019, at inutusang humarap sa korte noong Nov. 19, 2021. Nang hindi siya sumipot, ipinatawag ulit siya.
Nitong Biyernes Aug. 5, 2022, lang siya unang humarap sa korte, at inamin niya agad ang pagkakamali.
Nang tanungin siya kung bakit hindi siya nagpakita upang harapin ang kaso, sinabi niya na wala siyang natanggap na abiso. Pero idinagdag niya na nakipag-tulungan siya sa imbestigasyon.
Ang parusa niya sa aksidente na naging resulta ng kanyang pagmamadali: multang $500.