Hindi umusad ang kaso ng isang Pilipina sa Labour Tribunal pero may natutunan naman siyang paraan kung paano matagumpay na magreklamo laban sa amo. |
Feature
Dumulog sa Labour Tribunal ang isang Pilipina upang ireklamo na niloko siya ng kanyang mga amo at singilin ang mga dapat bayaran sa kanya. Hindi pinayagang umusad ang kanyang kaso, pero ang mga dahilan dito ay pwedeng magsilbing aral para sa lahat.
--
Kakaiba ang kasong inihain ni RSV, isang Pilipinang domestic
helper, sa Labour Tribunal.
Sa mga kaso na dinudulog sa Tribunal, laging ang nakapirmang amo o kumpanya lang ang inirereklamo ng isa o mahigit pang manggagawa. Pero sa reklamong isinampa ni RSV ay tatlong employer ang kanyang kinasuhan, na tatawagin nating Defendant 1 (D1), Defendant 2 (D2) at Defendant 3 (D3).
Sinabi ni RSV na sa unang kontrata niya, ang pumirma ay si
D1. Sa ikalawang kontrata naman ay pumirma si D2.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Tinanong siya ng presiding officer na si W. H. Pun kung
bakit kasama si D3 sa kaso kung hindi naman siya pumirma sa kontrata.
Ang paliwanag ni RSV, na pinagtrabaho siya kay D3 ng dalawang
pumirma ng kontrata, at si D3 din ang nagbayad ng kanyang suweldo, ay
naka-alarma kay Pun.
“Ang sinasabi mo sa akin ay pagkukumpisal ng isang kriminal na
gawain,” ika niya. “Ang ginawa mo ay malamang na maging problema para sa iyo.”
|
Ang pagtatrabaho sa taong hindi pumirma ng kontrata ng isang dayuhang DH ay
paglabag sa mga kondisyon nang binigyan siya ng visa, paliwanag ni
Pun.
Sumagot si RSV na dumulog nga siya sa Tribunal dahil gusto
niyang pa-imbestigahan ang ipinagawa sa kanya.
“Pero wala kaming kapangyarihang mag-imbestiga,” ani Pun.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang tanungin naman niya si RSV kung nagreklamo na si RSV sa Immigration tungkol dito, sumagot ito ng hindi dahil hindi niya alam ang gagawin.
“Kapag ipinilit mo ang ganitong takbo sa iyong reklamo at
nakarating ang kaso sa husgado, kahit manalo ka pa, posibleng magkaroon ng
resultang hindi mo magugustuhan. Posibleng idemanda ka ng Immigration Department,
at kanselahin ang iyong visa.”
Pinayuhan niya sa RSV na kumusulta sa abogado kung gusto
niyang ipilit ang ganitong linya ng reklamo.
PRESS FOR DETAILS! |
Tinanong naman ni Pun kung saan nakatira ang tatlong inireklamo ni RSV.
Nang sabihin ni RSV na magkakahiwalay sila ng bahay, tinanong siya kung bakit iisa ang address na ginamit niya para padalhan ng kopya ng kanyang reklamo ang tatlo.
Kailangan ng korte ang tamang address ng mga inirereklamo, paliwanag ni Pun,
dahil kung hindi nila natanggap ang reklamo, hindi pwedeng umusad ang
kaso laban sa kanila.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Nang sabihin ni RSV na umalis na sa Hong Kong si D3, na siyang tunay na may atraso sa kanya, sinabi ni Pun na ang korte ay may kapangyarihan lamang sa
mga taong nasa loob ng Hong Kong.
Ang huling tinalakay ni Pun ay ang hinahabol ni RSV na hindi
pa nabayarang suweldo, taunang bakasyon at mga statutory holiday.
Pinansin niya na walang paliwanag si RSV kung bakit
nagkautang ng ganito ang mga inireklamo niya.
“Kailangan mong ipaliwanag at magbigay ka ng ebidensiya kung
bakit dapat kang bayaran para sa mga ito,” ika ni Pun.
Sa huli ay binigyan ni Pun si RSV ng panahong pag-isipang
mabuti kung paano niya ipiprisinta ang kanyang kaso. “Ayaw kong pagsisihan mo
ang iyong napiling direksyon.” dagdag niya.
PADALA NA! |