Suspendido ang 3 buwang sentensya ng Pinay na iginawad sa Shatin Court |
Pero hindi makukulong si M. Bulan, 50 taong gulang, dahil ang tatlong buwang pagkabilanggo na ipinataw sa kanya ay sinuspindi ni Deputy Magistrate Fung Lim-wai ng Shatin Court.
Sa kanyang hatol, sinabi ni Magistrate Fung na mabigat ang kasong isinampa kay Bulan. Ang paggawa ng ibang trabaho maliban sa gawaing bahay sa tirahan ng kanyang amo, ay ipinagbabawal ng Immigration Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon kay Fung totoong ang taga-usig ang pumapasan sa pagpapatunay na nagkasala si Bulan, pero nang siya ay tumestigo upang ipagtanggol ang sarili, hindi naging kapani-paniwala ang kanyang salaysay.
Halimbawa, sinabi ni Bulan na tumakbo siya dahil sa takot, nang sabihan ng babaeng binilhan na tumakbo na. Pero ayon kay Fung hindi niya matanggap na ang isang taong may malinis na rekord ay makakaramdam ng takot at tumakbo, samantalang alam niyang hindi bawal ang bumili at wala namang panganib na nakaamba sa kanya.
Pindutin para sa detalye |
Pinansin din ni Fung na tumakbo si Bulan na ang dala lamang ay ang asul na nylon bag na may lamang 31 t-shirt na nagkakahala ng $600, pero iniwan niya ang mga tsokolate, de-lata at ibang grocery item na sinabi niyang binili sa halagang $2,500 at isinakay sa isang trolley.
“Bakit hindi rin niya sinabi sa officer na humuli sa kanya na may naiwan siyang trolley?” tanong ni Fung.
At nang tanungin ng taga-usig kung nasaan ang trolley, ang isinagot ni Bulan ay hindi niya alam.
“Hindi ako naniniwala na may troley nga siya,” dagdag ni Fung.
Press for details |
Matapos ideklara ni Fung na nagkasala si Bulan, humingi naman ang abogado nito ng mas magaang na parusa.
Sinabi niyang malinis ang rekord ni Bulan sa Hong Kong, at nag-iisa siyang sumusuporta sa kanyang dalawang anak.
Sa kasong ito, suportado siya ng kanyang mag-asawang amo na pitong taon na niyang pinaglilingkuran, at alaga niya ang kanilang anak na dalagang may sakit sa pag-iisip, dagdag ng abogado.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Sinabi ni Fung na dahil mabigat ang pagkakasala ni Bulan, hindi niya babawasan ang tatlong buwang parusa sa ganitong pagkakasala.
Pero dahil sa panawagan ng abogado niya na mapagaang ang kanyang parusa, ideneklara ni Fung na suspendido ang sentensiya nang 24 na buwan.
Kaya hindi makukulong si Bulan kung hindi siya magkakasala sa loob ng dalawang taon. Kung magkasala siya sa panahong ito, ang tatlong buwang sentensiya ay kailangan niyang ipagsilbi agad, at idadagdag ito sa anumang parusang matanggap sa bagong kasalanan.
Inutos din ni Fung na ibalik ang HKID ni Bulan, pero ipinakumpiska ang mga t-shirt na nasamsam sa kanya at ang bag na pinaglagyan ng mga ito,
PADALA NA! |
CALL US! |