Labag sa batas ang kumuha ng labis sa isang HK ID card |
Dalawang Pilipino na nakakuha ng mahigit sa isang Hong Kong Identification
Card (HKIC) gamit ang ibang pangalan at pagkakakilanlan, ang pinatawan ng suspendidong
parusa matapos umamin sa pagkakasala sa magkahiwalay na pagdinig sa Shatin
Magistracy noong Aug 10.
Sina Arnolfo Solita at Maligaya San Juan, na parehong
domestic helper, ay kinasuhan ng tig-dalawang paglabag sa batas. Una, ang pagsisinungaling sa isang Immigration officer dahil sa pagpapalit ng pangalan, na labag sa Immigration Ordinance; at pangalawa, ang pagkuha ng labis sa isang HK ID card.
Inatras ang unang akusasyon sa parehong nasasakdal nang
umamin sila sa ikalawa, na mas magaang na pagkakasala.
Hindi malinaw ang dahilan kung bakit hindi na itinuloy ang pagsampa ng kasong pagsisinungaling laban sa kanila gayong pareho silang gumamit ng tig-dalawang pangalan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dumating si Soleta sa Hong Kong bilang domestic helper noong July 1996 at nakakuha ng una nyang HKIC. Kumuha siya ng ikalawang ID sa parehong pangalan bago matapos ang taon nang mawala niya ang unang card.
Noong October 2007 ay kumuha naman sya ng bagong ID na gamit
ang pangalang Ronald Abache, at iba ang araw ng kapanganakan.
Nahuli si Soleta sa ikaapat niyang pagkuha ng bagong HKID, dahil nawala na naman daw ang nasa pangalan ni Ronald Abache. Dito na napansin ng Immigration officer na
iisa ang fingerprint na ginamit sa pinakahuling HKIC na hiniling niya, at sa nauna nang ibinigay sa kanya pero iba ang pangalan.
Pindutin para sa detalye |
Humingi ang abogado ni Soleta kay Deputy Magistrate Tsang Chung-yiu ng kaluwagan sa pagpaparusa dahil nagawa daw nito ang pagkakasala bunga ng kamangmangan. Pero hindi nito ipinaliwanag kung bakit nagawa ng Pilipino na makapagpalit ng pangalan sa HKIC.
Ayon pa sa abogado, kumikita si Soleta ng $17,000 buwan-buwan at sinusuportahan ng
kanyang asawa ay dalawang anak sa Pilipinas.
Sinimulan ni Magistrate Tsang ang parusa sa 4.5 na buwang
pagkakakulong, na binawasan niya ng 1/3 dahil sa pag-amin ni Soleta, kaya naging
tatlong buwan. At sinuspinde ni Tsang ang sentensiya nang dalawang taon, kaya
hindi makukulong si Soleta kung hindi siya magkakasalang muli sa loob ng panahong ito.
Pero kung lumabag ulit siya sa batas, pagsisilbihan niya ang tatlong buwang kulong at pagbabayarin pa siya ng multang $1,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Si Maligaya San Juan naman ay dumating sa Hong Kong bilang dmestic
helper noong November 2003 at nabigyan ng HKIC dahil dito. Pero naterminate
siya kalaunan at umuwi sa Pilipinas.
Bumalik siya noong July 18, 2006 bilang DH ulit pero iba na ang
pangalan, Johnlyn Soriano, at nakakuha siya ng bagong HKIC.
Dahil inobliga ng gobyerno na kumuha ng bagong ID ang lahat
ng naninirahan sa Hong Kong, nakipila rin si San Juan.
PRESS FOR DETAILS! |
Nahuli siya dahil ang fingerprint niya sa pagkuha ng bagong ID
ay kagaya sa ID na naibigay na noon pang November 2003 sa ibang pangalan.
Sinisi ng kanyang abogado ang kamangmangan ni San Juan kaya
niya nagawa ang kasalanan.
Humingi siya ng kaluwagan sa pagpaparusa, dahil malinis ang
record ni San Juan sa Hong Kong. Katunayan, 12 taon na siyang nagtatrabaho bilang
DH sa kasalukuyan niyang amo.
Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love |
Pinarusahan siya ni Magistrate Tsang ng tatlong buwang pagkakakulong,
na binawasan ng 1/3 kaya naging dalawang buwan, at suspendido nang dalawang
taon.
“Remember, do not commit any offense (Tandaan, huwag gagawa
ng kahit anong kasalanan),” ang pabaong payo ni Tsang sa Pilipina.
PADALA NA! |