Tinanong sa Legco ang gobyerno tungkol sa plano nitong isabatas ang pagbabawal sa fake news |
Pinag-aaralan ng Hong Kong government ang pagpapatupad ng bagong batas laban sa pagpapakalat ng tsismis, fake news at mapanirang pahayag.
Ipinahayag ni Secretary for Home and Youth Affairs, Alice
Mak, na ang kanyang opisina ay nagsasagawa ng ganitong pag-aaral matapos mabanggit
ang pangangailangan dito sa Policy Address ni Chief Executive Carrie Lam noong
nakaraang Oktubre.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ginawa ni Mak ang pahayag matapos magtanong tungkol dito ang mambabatas na si Elizabeth
Quat sa sesyon ng Legislative Council kanina (July 13).
Sinabi ni Mak na nagsimula na ang pag-aaral upang masiguro na may sapat na mapapanghawakan ang mga tagapatupad ng batas upang mapanagot ang mga nagkasala. Layon daw nito na pangalagaan ang seguridad ng Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sakop ng kanilang pag-aaral ang pagsusuri ng ganitong uri ng batas sa
ibang bansa, at ang kanilang karanasan sa pagpapatupad nito. Idaragdag dito ang
pag-aaral ng mga batas laban sa pag-iinsulto sa mga kawani ng pamahalaan.
Ayon kay Quat, may 15 nang lugar ang nagpapatupad ng
ganitong uri ng batas, kasama ang Macau at Japan.
Sinabi niya na ipinatutupad na sa Macau ang batas na
nagbabawal sa pag-insulto at paninira laban sa isang tao, at mas mataasa ng parusa kapag ang biktima ay kawani ng gobyerno.
Sa Japan naman, tinaasan ng Diet (ang kanilang kongreso) kamakailan
ang parusa sa pang-iinsulto, gaya ng paninira sa pamamagitan ng internet.
Press for details |
Ayon kay Mak, ang bagong batas na mabubuo sa isinasagawang pag-aaral
ay idaragdag sa mga batas na kasalukuyang nagagamit sa Hong Kong upang labanan
ang mapanirang salita.
Ilan sa mga batas na ito ang:
- Crimes Ordinance: Section 24 tungkol sa criminal intimidation (may kulong na hanggang limang taon), at section 9-10 tungkol sa sedition.
PRESS FOR MORE DETAILS |
- Summary Offences Ordinance: section 23 tungkol sa hindi pagsunod sa o paghadlang sa opisyal ng gobyerno sa pagtupad ng kanyang tungkulin (may muktang hnggang $1,000 at kulong hanggang anim na buwan).
- Public Order Ordinance: section 17B tungkol sa maingay ay magulong pag-uugali at paggamit ng salitang nagbabanta, nagmumura at nang-iinsulto (may multang $5,000 at kulong na 12 buwan).
Base sa mga batas na ito, 58 ang kinasuhan sa korte noong
2021, at 43 sa kanila ang nahatulang nagkasala. Sa mga nagkasala, 14 ang ipinakulong,
2 ang binigyan ng probaton order, 3 ang inutusang magsilbi sa komunidad, at 24
ang binigyan ng iba’t ibang magagaang na parusa.
PADALA NA! |